Tuesday, July 5, 2016

KARAHASAN: PAANONG LULUTASIN?


Death Valley National Park, California, Highway Scene Art Print

Anong klaseng mga tao ang nagpapakamatay at pumapatay? 

Napakaraming mga pagbomba ang nagaganap sa buong mundo ngayon at ako tuloy ay parang natatakot ng lumabas ng bahay. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa iyo sa paglalakad mo, sa pagkain sa isang cafe, o kaya ay sa panonood ng sine. 

Hindi natin masisiguro kung darating dito o hindi ang mga ISIL, yung mga nambobomba sa Gitnang Silangan. Kaya nga tinatagalog ko na ito dahil baka mag-search pa sila ng mga pamilyar na mga salita at mapadpad sila rito sa sinusulat ko. 

Subali't sa aking pananaliksik, talagang nakaturo ang aking pag-aaral ng kanilang pagkilos sa iisang bagay lamang -- ang tendensiyang magpakamatay, ang saktan ang sarili nila kasama na ang iba. 

Maraming pag-aaral tungkol sa pagpapakamatay sa America at sa UK, at masinsin ang mga ito, mula sa ano ang depinisyon, ano ang mga dahilan, ano'ng mga solusyon, paano ang ebalwasyon. At marami pang iba. 

Kaya lang lumalabas na personal ang focus nila. Ang pasyente ay isa at ang gagamot, sa pamamagitan ng therapy ng isang duktor o sa pamamagitan ng pagpasok sa ospital. 

Marahil, dapat nating isipin, paano ang international focus para masolusyonan natin ang ganitong uri ng mga pagpapakamatay?

Naiisip ko na kailangang mahigpit ang pagpapatupad ng mga solusyon upang matigil na ang mga pagtbobomba. 

Una, kailangang malawak ang tingin natin sa problema. Kung malawak, malawak din ang solusyon. Unang unang nakikita ko ay ang mga technologies at media. 

May paraan ba para itigil na ang mga war games sa internet? Parating hinihikayat ng mga ito na maglaro, pumatay, (kahit vicariously). Ewan kung bakit na-develop pa ang ganitong klaseng laro sa internet na walang katuturan kundi ang pumatay ng pumatay. Pati ang mga larong boksing ay dapat ipagbawal sapagka't nakakasakit ng katawan. 

Ang ganitong uri ng laro ay nagpapatingkad ng machismo na lalong nagpapababa ng self-esteem ng mga lalaking may mahinang loob. (NB: machismo -dominasyon ng kalalakihan)

Pangalawa, maaari bang sa mga Facebook, may mga mensahe, na wari'y ads na makatutulong sa may-ari nito na magsuri ng sarili? Isa kasi sa dahilang 
kulang sa positive reinforcement ng mga positibong katangian niya ang mga may tendensiyang magpakamatay. 

Pangatlo, maaari bang, dalangan, kung hindi itigil na ng mga pulitiko at artistang mayayaman na ipinangangalandakan ang kanilang high society lifestyle -- ang pagsusuot ng ganito at ganireng kamahal na mga damit, ang pagkakaroon ng mga mamahaling mga alahas, ang kakayahang maglibot ng buong mundo, ang makasakay sa mga mamahaling sasakyan?

Ang hirap kasi, kakaunti ang mga taong ito, at mas marami ang mga naghihirap. Yung kakaunting ito, ang mga elite, ay may kakayahan pang ibulgar ang kanilang kayamanan, hindi lamang sa komunidad kundi sa buong mundo. 

Siguro, dito na rin papasok ang responsibility ng media. Sana ay maging mapamili na sila ng kanilang mga isusulat, hindi yung mga sulatin na lalong magpapaigting ng pagkakahati-hati ng mundo sa mayaman at mahirap. 

Higit sa lahat, kailangang iangat ang kamalayan ng pamilya. Sa mga taong may negatibong pagtingin sa sarili, kadalasan ay dahil na rin sa kanilang pamilya. 

Malaki rin ang papel ng eskuwelahan, ng simbahan , ng barangay para maitaas ang kanilang pakiramdam sa sarili. 

Ang papel ng ina, anak na babae, lola, at gurong babae ay napakalaki upang mabawasan ang bayolensiya sa mundo. Sa mga kasamahan ko sa kilusang pangkababaihan, nakalulungkot kung ang lahat ng mga pinag-aaralan natin tungkol sa women's liberation ay hindi natin magamit ng husto; kinakailangang makatulong tayo sa pagpapatahimik ng mundo. 

WWII: Propaganda Poster Giclee Print
Sa mga ibang sulatin, magdadagdag pa ako ng mga suhestiyon upang makatulong tayo sa pinakamimithi nating ito. 



No comments: