Matindi
ang mga report na nahihirapan daw kumuha ng mga taong pupuno ng mga
puwesto sa gubyerno .May magagaling daw na mga tao na umayaw sa mga
inaalok na puwesto dahil sa kawalan ng tiwala sa kapasidad ng
gubyerno na magdala ng pagbabago at ang pananatili sa labas ay higit
na kaaya-aya. May mga ayaw din ng napakababang suweldo. Ang mga
puwede lamang ay ang mga opisyales na dati nang nanilbihan sa ilalim
ng mga rehimeng walang k.
Marahil,
mukhang mahirap ang humawak ng pamumuno sa gubyerno. Nakakatakot
isipin siguro na papasok ang bagong namumuno sa isang organisasyon na
puno ng mga, sa kanyang paningin, konserbatibong empleyado, mga sanay sa denumerong
pagkilos, na ayaw umalis sa burukratang pamamaraan, at mga empleyado
na maaaring magdadala ng sigalot o paninira ng mga gawain na puwedeng
sumira ng imahe ng paparating na presidente, o kaya ay may pailalim
na koneksyon sa mga opposition parties. Nagiging mahirap lalo na kung
nasanay ang pinunong ito sa isang organisasyon na siya ay
nirerespeto, ginagalang at ang paninilbihan sa taumbayan o sa
kumpanya ay siyang pinakatampok ng gawain. subali't hindi naman lahat ng empleyado ay ganyan. Nagkakaganuon lamang dahilan sa mabigat ang resulta kapag lumihis sa nakagawian ng pamamaraan ng pagpapatakbo ng gubyerno.
Sa
katunayan ang mamuno ng isang departamento ay isang kaakit-akit na
sitwasyon. Kaunti lamang ang tinatawag sa ngayon para maging piinuno.
Ayon kay Propesor Leonor Briones, na nainterbyu ni Ted Failon sa
radyo, maganda ring manilbihan sa gubyerno kasi kapag lumalabas ng
bansa, mataas ang pagtingin ng mga banyaga sa mga delegasyon ng
Pilipinas.
Nais
kong idagdag na dahil na rin sa ating makasaysayang pagkilos marahil
ito. Tayo ang kauna-unahang bansa sa Asya na lumaya sa kolonyalismo, sa puwersa ng Espana; natalo rin natin ang Japanese Imperial Forces
noong Pangalawang Pandaigdigang Digmaan, at naibalik natin ang
demokrasya sa Pilipinas matapos ang 14 taon martial law ng diktador
na si Marcos sa mapayapang pamamaraan.
Ngunit
di natin maaaring talikuran ang mabusising pagpapatakbo ng isang
departamento. Dahil ako'y nagtrabaho sa gubyerno sa loob ng apat ng
taon noong panahon ng martial law, bilang senior management specialist sa Budget Commission na ngayon ay tinatawag na DBM, masasabi kong napakadali sa ngayon na mamuno kung ang layunin ay walang iba kundi
ang manilbihan sa taumbayan at hindi raketeering.
Narito
ang palasak na mga gawain sa gubyerno. Kung Lunes, may pagtitipon ang mga empleyado upang umawit ng
Lupang Hinirang na sinasabayan ng pagtataas ng bandila sa harap ng gusali ng departamento. Susundan ito
ng mga trabahong papeles - pagbusisi, pagpirma, pag-edit, pagreview atbp, meetings at pagsusulat ng report. Yan ang kadalasang
gawain sa departamento. Nguni't ang mas sinserong namumuno ay lalabas
at makikipag-usap sa taumbayan, sa sektor na pinagsisilbihan upang
alamin ang kanilang mga problema. Kung PNP o militar, ang mga
pupuntahan ay ang mga nasa pinakamababang ranggo, ang private
soldiers.
Kung
nasa Denr naman, ang pupuntahan ay ang mga foresters na nasa mga
bundok, o kaya sa urban areas. (Opo, mga Kababayan, ang environment
sec ay dapat na inspeksyonin kung may sapat na mga puno sa syudad, at
suriin ang mga kalidad ng hangin, tubig at lupa. Dapat may target ang
departamento kung ilang mga puno ang dapat na tanim sa syudad, sa mga
bayan at barangay. Dapat mayroon silang tagamonitor kung nasusunod
ba ang mga pamantayan.
Pangalawa, pag pasok nila sa puwesto, dapat i-check nila
kaagad kung ilang mga ilog ang marumi, puno ng basura, at hindi
namamantina ng mga barangay sa tabi nila. Mas maganda rin kung may
ibibigay silang pabuya, at parusa din kung di makapagbigay ng maayos
ng report.
Pangatlo, dapat i-ban nila ang paninigarilyo sa mga
sidewalk at bus stops. Dapat may watchers sila na manghuhuli ng mga
nakikitang nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa paligid,
Pang-apat,
dapat maki-coordinate ang Denr sa LTFRB upang ipagbawal ang mga
maiingay na mga motorsiklo. Lahat ng mga motorsiklo dapat ay may
silencer. Nabanggit ng papasok na rehimen na patitigilin ang mga
videoke na lumalarga kahit na sa kailaliman ng gabi. Sa aming
barangay, may miyembro pa ng pulis na ganyan ang gawain at hindi
mapagsabihan. Araw-araw? Madalas.
MINAHAN: Marami na tayong nakalbong
mga bundok Panahon na siguro para papagpahingahin natin ang mga
diwata sa kabundukan at bigyan sila ng pagkakataong hilumin ang mga
sugat na dulot ng pagbomba ng lupa, pagbungkal ng mga backhoes, pagputol ng mga puno gamit ang mga lagare, mga itak, at kung anu-ano pang
mga matatalim na sandata.
DILG
Sa
Dilg, ang pangunahing haharapin ay ang mga residente ng barangay,
kasunod ang mga opisyales, ang mga officers, at ang tanod. Mga
katanungan sa kanila: Paano nyong ginagamit ang budget at ibang
resources ng barangay tulad ng mga sasakyan, mga pasilidad, ang
internet para makapaghatid ng dekalidad at maramihang serbisyo sa
taumbayan? Kailangang ang mga pamantayan na dapat na itakda ng
kalihin upang malaman kung magaling ba ang kanilang paggawa. Dapat ay
may tatlong pamantayan: superior, katamtaman, at bagsak.
Bawa't
barangay ay dapat may bulletin board at may buwanang report kung
magkano ang nagastos at para saang proyekto. Kapag naghahanda ng
pangkalahatang asembleya, bawa't ipaalam kung kailan at saan dalawang
linggo bago ito ganapin. Dapat ding maging regular ito. Bawa't
mamamayan ay magkakaroon ng sapat na panahon para mag-isip ng mga
isyus na nais nilang ilahad sa asembleya.
DSWD
Sa
punto ng Dswd ang pinakamahalagang trabaho ay iikot sa kung anong mga
bahagi ng bansa ang parating may paulit-ulit na kahirapan. Bakit sa
dami ng mga rehiment nagdaan ay hindi umaangat ang buhay ng mga tao
ruon. Bakit ang kababaihan, kabataan at mga nakatatanda (NOTA BENE:
HINDI MATANDA KUNDI NAKATATANDA AYON KAY EDDIE ILARDE, ANG MATANDA AY
OLD. ANG NAKATATANDA AY ELDERLY).
Halimbawa,
kung sa loob ng isang tahanan, may nagreklamong may kamag-anak o
kasambahay na naninigarilyo o kaya ay drug addict, o kaya ay
lasenggo, at walang pakialam sa kung anong epekto ng mga pinaggagawa
niya sa iba, panahon na para manindigan ang mga Dswd at harapin ang
problema. Ang mahigpit na pagtutulungan ng Dilg. barangay at PNP sa mga bagay
na ito ay kailangang-kailangan.
Nakalulungkot namang ang karahasan sa loob ng bahay ay hindi napagtutuunan ng
pansin. Marami akong alam na tahanan kung saan may kasama sa bahay,
kadalasan isang lalaki na nang-aapi ng mga kasambahay, ng kababaihan
at nakatatanda at walang paki sa tinatawag na karapatang pantao. Ang
Dswd, nagpunta lamang minsan tapos wala nang nangyari. Walang follow
up. Ang barangay ayaw hawakan ang problema dahil sa pampribado ang
problema at hindi raw sila dapat makialam. (O baka dahil kinikilingan ng isang mataos na officer ng barangay ang lasenggo?)
Ang
paulit-ulit na trabaho sa departamento ay ang paghahanda ng programa,
proyekto at budget para sa taong darating. Ito ay dinidepensa sa mga
opisyales ng lehislatura, ang Senado at Batasang Pambansa. Trabaho
rin ng departamento ang pag monitor at pagtasa sa pagpapatupad ng mga
programa at proyekto. Sa puntong ito, mahalagang huwag manghihina sa
mga alok ng pagpapayaman ng mga taong nais sirain ang moralidad ng
mga tao sa departamento. Kailangan ang magandang relasyon sa
Commission on Audit upang makatulong sa kanilang pagtatasa ng
proyekto. Magaling sa numero ang mga taga COA upang masigurong
makukumpleto sa tamang paraan ang mga programa at proyekto. Sa aking
pananaw, ang COA ay dapat na kumikilos upang malaman kung
nakatatanggap ba ng tamang benepisyo ang taumbayan hindi lamang kung
tapos na ang taon. Kapag may nakitang mali kapag tapos na ang proyekto, mahirap nang iwasto.
Sa
aking pananaw, maraming kababayan na kabilang sa kilusang
non-government na eksperto na sa pagsisilbi sa mga komunidad. Ang
panlipunang pagsisilbi ay isang gawain na kayang-kaya nila kahit
nakapikit. Kung kaya't hindi mahirap ang paghahanap ng mamumuno sa
loob ng gubyerno. Tigilan lang ang palakasan.
Naririto
ang mga katangiang dapat na itakda sa mga tatanggaping pinuno:
*marunong
makiramdam
*alam
at eksperto sa gawaing haharapin
*may
matayog at malalim na pananaw
at
*may komitment o katapatan sa tungkulin
Malakas na pakiramdam
Kapag
marunong makiramdam ang pinuno, alam niya kung sinu-sino ang
pinakahigit na pagtutuunan niya ng tulong. Hindi siya bulag sa
kahirapan at kaapihan ng kababaihan kabataan at nakatatanda. Alam
niya kung anu-anong mga isyus ng kahirapan ang kinakailangang harapin
kaagad – pabahay ba, kaapihan sa loob ng tahanan, sakuna at kawalan
ng pagkain, etsetera.
May Kakayahan
Ang
kakayahan ay hindi matatawarang kinakailangang pamantayan sa pagkuha
ng pinuno. Kapag walang kakayahan, ang pinuno ay pagtatawanan,
paglalaruan at lolokohin lamang ng mga empleyadong nagtatrabaho nasa
ilalim ng departamento. Hindi mabubura ng press release o mga sinulat
sa diyaryo at magasin, at paglabas sa telebisyon ang kawalan ng
kakayahan ng pinuno. Pati mga taga media ay babatbatan siya.
Pananaw
Ang
vision sa Tagalog ay “pananaw, may pangitain, mapangarapin...”
Marahil yang mga pang-uring yan ang maaari nating gamitin. Ang isang pinuno
ay dapat na may pananaw, pangitain, at mahilig mangarap. Ibig sabihin
nito, ang pinuno ay hindi lamang nakatuon sa nakaraan at
pangkasalukuyan kundi pati na rin sa kinabukasan at hinaharap.
Kailangan
ang malalim na pananaw upang maisabay ang mga gawain ng departamento
sa pangkalahatang plano upang paunlarin ang basan at sa mas
partikular, kung ano ang magiging epekto ng federalismo sa
departamento. Ito ay pagkakaroon ng malawak ng pananaw din tungkol sa
pag-unlad ng sektor na tinutulungan at ng mga empleyado sa
departamento.
Ang
pagkakaroon ng katapatang-loob sa pagsisilbi sa bayan ay isang
pamantayan na mahirap tanggalin sa listahan ng mga katangian ng isang
pinuno. Kapag tapat ang pinuno maasahan nating hindi pupunta sa bulsa
niya, sa bulsa ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak ang kuwarta ng
bayan. Hindi siya hihirang ng mga officers ng departamento na mga
kaibigan lamang niya. Walang palakasan. Walang tinititigan. Walang
kinikilingan.
Ang
Civil Service Commission ay may mga pamantayan kung sinu-sino ang
dapat na maging empleyado ng gubyerno. Magandang masuri ito at
masunod sa pagpili ng mga tutulong sa pagpapaganda ng kaunlaran ng
sambayanan.
Samakatuwid,
ang pinakamahalaga ay ang paghahandog ng pawis, pagod, utak at
damdamin para sa ikabubuti ng buong sambayanan.
May
mga panahong mapapagod, mayayamot, maiinis, at tatamarin sa mga
paulit-ulit na trabaho sa loob ng burukrasya. Nakakawala rin ito ng
pagiging mapanlikha at maabilidad upang masolusyunan ang mga problema
sa departamento. Sa ganitong kalakaran, napakalakas ang hatak na
makinig sa musika, o kaya ay umalis ng syudad, magpunta sa tabing-dagat, damhin ang sikat ng araw sa likod ng katawan o kaya ay
tanawin ang paglubog ng araw at magnilay-nilay kung bakit pa
nabubuhay sa planetang ito. Ito rin ang magandang panahon para
makaisip tayo kung paanong maaalis ang bureaucratism sa gubyerno, ang
pagpapalawak at pagpapalalim ng ating panaw at kaisipan tungkol sa
buhay.
Amen.
“Hello
Garci” Larawang-guhit ni WSO