Thursday, October 22, 2015

BAKIT AKO TATAKBO SA PAGKA-SENADORA

Mga Kababayan ko, Narito ang aking mga karanasan sa pagkilos sa non-government movement at kung bakit ako tatakbo sa pag-Senadora:
Community Volunteer Work:
Literacy Volunteer sa Tundo, Manila sakop ang mga Magsaysay Village, Aroma, Happyland, Smokey Mountain na tinatawag ngayong Paradise Heights, mula 1984 to 2002

Legislative Advocacies Nagpanukala at nagsumite ng mga draft bills para sa
1. Deklarasyon ng March 8 (1984) para maipagdiwang ang International Women's Day bilang isang national holiday at ipinasa ni Pangulong Corazon C. Aquino;
2. Nagsuhestyon ng pagtatayo ng magkahiwalay na mga women's groups, isa para sa gubyerno at isa para sa mga non-government women's groups dahil sa hindi magka-ayon ang kanilang working place. Nabuo ang GAD o Gender and Development Units dahil dito.
3. Wrote about Children's Rights in Mr. and Ms. Magazine in the 90's.
4. Nagsumite ng Anti-Smoking policy sa mga pampublikong lugar matapos sa ga opisyales ng gubyerno, 1989 matapos ang aking paglalakbay sa LA, USA kung saan nakita ko ang matinding pagbabawal ng paninigarilyo sa mga public places;
5. Nagsumite kay Sen. Aquilino Pimentel na i-ban illegal logging sa Mindanao dahil sa matinding init doon dulot ng kawalan ng puno. Matapos noon, nagsumite siya ng total ban ng logging sa Mindanao;
6. Nagsuporta ng Reproductive Health Rights (2014) through Sen. Pia Cayetano's office by suggesting tactics para ito maipasa;

CURRENT WORK:
Produksyon ng Educational Materials tulad ng Regalo Magazine para sa Kabataan;

Pagsusulat ng Blog : Google Norge: thirdforce-prg. blogspot
(PRG – Pilipinas para sa Responsable at Kagyat ng . Ito ay sinimulan upang noong 2008 dahil sa pangangailangang mabuo ang mga kasapi ng isang discussion group na nagmimiting sa Forbes Park, kasama ang mga alumni ng De La Salle University, Ateneo de Manila University and Lahat Na); nagbibigay ng third perspective (kontra sa mga pananaw na makakaliwa at makakanan) patungkol sa political, economic, social and cultural issues na may kaugnayan sa ating national identity at dignidad bilang isang lahi at kasapi ng mga pangdaigdigang komunidad.

BAKIT KO GUSTONG TUMAKBO BILANG ISANG SENADORA?WHY I AM VYING FOR A SENATORIAL SEAT: Tatlong mahahalagang trabaho ng isang Senador/a

1. Mag- imbestiga ng kamalian sa pamamalakad ng gubyerno – dahil sa aking pagsusulat, madali kong masasakyan ang mga isyus at makakasama sa diskusyon ng mga panukala na mahalagang matalakay para maibsan ang mga problema ng ating mga kababayan;

  1. Mag diskusyon at magpasa ng mga batas dahil sa aking malawak na karanasan sa cultural at community work, makakapag-papasa ako ng mga panukala na tiyak na makatutulong sa ating mga kababayan;
3. Magdiskusyon, mag-analisa at magpasa ng badyet ng gubyerno taun-taon. Gawain ko na ito noong nagtrabaho ako sa Budget Commission kung kaya't madali ko nang magagawa ito. At pamilyar din ako sa pagpapatakbo ng non-government organizations na nangangailangan ng budget taun-taon.

DALANGIN

Nawa'y dumami sa ating bansa ang mga intelektual na may pananaw sa kinabukasan, may may malalim na paggagap ng ating kasaysayan bilang isang lahi at may kamalayan at pang-unawa tungkol sa pangkasalukuyan, nakakaintindi ng trabaho ng buong pamahalaan at mga tungkulin ng Senado, nakapagbasa na ang Konstitusyon at alam kung paanong palalakasin ang mga probisyon nito sa pamamagitan ng paggawa ng mga batas at implementasyon nito. Sana ay marunong ding umakto at kumilos ng kagyat kung saan may matinding pangangailangan ang ating mga kababayan. Amen. 

    ISUSULAT KO ANG AKING PROGRAM OF ACTION  SA SUSUNOD NA BLOG. Sumasainyo, (Wiilhelmina) Emma Orozco 

No comments: