Sunday, March 25, 2012

BAKIT KAILANGANG IBABA?

Hindi, hindi ibaba ang short shorts ng mga babae. Hindi tungkol diyan ang titulo ng artikulong ito. At hindi rin tungkol kay Audrey Hepburn na nasa foto sa ibaba na lumabas sa Breakfast at Tiffany's. Ang dapat ibaba ay ang presyo ng mga produktong galing sa langis.

Hindi ba, natural lang, na kapag mataas ang presyo ng langis, magmamahal ang mga bilihin? Tataas ang pamasahe, magmamahal ang mga agricultural crops sa palengke, ang bayad sa sine, ang elektrisidad, ang tubig, ang iba't ibang serbisyo, ang mga damit, ang pabahay, etsetera, etsetera?

Bakit ang hirap yatang intindihin nyan samantalang ang pinakabatayang produkto para lumago ang ekonomiya ay ang langis. Kailangan ang langis para pagulungin ang mga makina ng pabrika, ang mga sasakyan na naghahatid ng mga agricultural crops mula sa probinsiya papunta sa syudad. Kailangan ang langis para ayusin ang mga makina ng sasakyan, para mag-manufacture ng iba't ibang produkto. Kailangan ang langis para sa mga backhoes na pinatatakbo sa mga construction companies.

Maraming-marami pa tayong mababanggit tungkol sa kahalagahan ng langis. Kung kaya't kapag ibinaba ang presyo ng langis, tiyak ang pagpapatakbo ng ating ekonomiya ay gaganda.

Unang-una na matitigil na ang mga demonstrasyon, ang mga welga laban sa patuloy na pagtaas ng mga presyo nito.

Pangalawa, bababa ang electric charges. Hindi na tayo magrereklamo laban sa Meralco na napakataas ng singil.

Pangatlo, hindi na tataas, at tiyak babagsak pa ang presyo ng mga pamasahe at bilihin sa palengke.

Pang-apat, dahil magmumura ang mga pagkain, magiging malulusong ang mga Pinoy at Pinay, ang third sex na rin dahilan sa makakakain na ng husto ang mga tao ng mga gulay at makapagluluto ng mga masasarap na pagkain.

Panlima, wala nang mamamalimos sa kalsada para makakain.

Kapag mura ang mga bilihin, ang mga negosyante magkakaroon ng insentibo na magtayo ng iba't ibang negosyo, kung kaya't ito ay hahantong sa pagkakaroon ng trabaho para sa marami, hindi lamang bilang mga call center agents.

Kapag mura ang mga pamasahe, makakapaglibot na tayo kahit saang panig ng bansa; puwede pa tayong mageroplano. Sikat!

Kapag nagmura ang langis, ang mga eskuwelahan hindi na puwersadong magtaas ng suweldo ng mga guro at maraming kabataan ang makakapag-aral na.

E bakit nga ba ayaw tanggalin ang EVAT o VAT sa langis para bumaba ang presyo ng mga produktong gawa rito? Para daw masustentuhan ang mga social programs and projects ng gubyerno. Pero kung ganuun naman karami ang resulta kapag bumaba ang presyo ng langis, kakailanganin pa ba ang mga social programs and projects na yan ng gubyerno? Hindi ba kaya may Conditional Cash Transfer Project dahil walang makain ang mga kababayan natin at hirap mabuhay ng matino at marangal?

Parang paikut-ikot lang tayo sa problema, ano ba ito? Dapat simplehan na lang natin ang pagtingin sa mga problema natin. Sa mga nasa itaas, mamasyal naman kayo dito sa ibaba ng hindi nakakotse o naka-adventure ng maranasan ninyo kung gaano kahirap mabuhay, sa day-to-day.

Huwag nyo namang gawing mga Holly Golightly (papel ni Audrey sa Tiffany's) ang kababaihan natin na kinailangang magbenta ng aliw sa New York para makakain at magkaroon ng apartment.

Sa palagay ko pati ang mga kabataang  babae ngayon nagsu-shorts, pati nakatatandang babae, at idinidisplay pa sa daan, sa mga jeep (BAKIT TAHIMIK ANG KARAMIHAN AT ISANG PARI PA LANG ANG NAGSASALITA TUNGKOL DITO?) ang kanilang mga hita kasi siguro mahal na rin ang mga pantalon at palda. Mas mura ang shorts, at napapatingin pa at halos lumuwa ang mga mata ng mga na-aarouse sa mga nakikita nilang walang hiya-hiyang parada ng mga hita. .

Wanted: New Economic Manageers and New Fashion Designers with a Social Conscience

No comments: