Ano Ang Ibig Sabihin Ng Mga Karapatan Para Sa Kapantayan Ng Kababaihan Sa Ilalim Ng Simbahan?
1. Ang mga anak ni Zelophehad ay humiling kay Moses kung puwede silang makamana sa Lupang Pangako. Lahat ng mga anak ni Zelophehad ay puro babae. Nang nagdasal si Moses sa Panginoon, sinabi ng Panginoon na taliwas ang paghahari ng kalalakihan sa kultura. “Wasto ang sinasabi ng mga anak ni Zelophehad; nararapat lang na bigyan mo sila ng karapatang magmana kasama ang mga kapatid na lalaki ng kanilang ama, at hayaan silang maging tagapagmana ng kanilang ama. (Num. 27:7)
2. Hinayaan ni Hesus na maupo si Mary of Bethany sa tabi niya at matuto rin sa kanya. Hinayaan niya ang isang babaeng makasalanan na lagyan ng pabango ang kanyang ulo. Isang babaeng dinurugo ng 12 taon ang hinilum ni Hesus kahit na noong panahong yoon ay ni hindi lumalapit ang mga Rabbi sa kanila. Noon, ang mga rabbi ay di nakikihalubilo sa mga babae sa publiko.
Ang mga testimonies ng mga babae noong panahon ni Hesus ay di tinatanggap ng mga korteng pambatas subalit, ang mga unang nag-testify tungkol sa resurrection ni Hesus ay mga babae, sina Mary ng Bethany, Mary Magdalene, Joanna, Susanna at iba pang mga babae. (Luke 8:13) Dahil dito, hindi maaaring tanggapin na mga lalaki lamang ang mga disipulo ni Kristo.
3. Ayon kay San Pedro, sinabi ni Joel sa kanyang sermon sa Pentecost, “ang iyong mga anak na lalaki at babae ay magpo-prophesy.” (Acts 2:17)
Sinabi naman ni Pablo sa mga Galatians na kay Kristo “Walang lalaki o babae. (Gal 3:28)
4. Sa kanyang sulat sa mga Romano, binanggit ni Pablo ang mga pinunong babae na nagsilbi sa kanyang grupong apostoliko, na sina
a. Phoebe, isang deaconessa;
b. Priscilla, magaling na guro ng Biblia;
c. Tryphena at Tryphosa na binanggit na mga “manggagawa;”
d. Persis, na taga Persia at tinagurian niyang masipag magtrabaho
e. Junia (Rom. 16:1-4, 7, 12) na nanilbihan bilang apostol;
f. Chloe, na namuno ng simbahan (1 Cor. 1:11);
g. Euodia at Syntyche (Phil 4; 1-3); at
h. Si Hannah na nagdasal ng marubdob sa Shiloh
Tiyak na nakita ni Pablo ang kababaihan na stratehikong bahagi ng plano ng Diyos. Binanggit din niya kung saan nagdarasal ang mga babae tulad nina
a. Lydia, isang negosyante na kanyang unang naakit sa faith
(Acts 16: 13-14)
b. Sa Ephesus tinakwil naman ni Pablo ang mga palsipikadong guro bilang pagsuporta sa kanyang mga babaeng ministry comrades.
5. Sa Bibliya sa Luma at Bagong Testamento, binabanggit ang mga pagkakatuwang ng mga babae at lalaki tulad ni Abraham at Sarah; Deborah at Barak na nanalo sa gyera; Mordecai at Ester na napigilan ang pamamatay ng maraming tao; Priscilla at Aquilla na nagtayo ng pundasyong apostoliko ng unang simbahan.
6. Sinabi ni Solomon : “Pakinggan ang turo ng iyong ama at huwag tatalikuran ang batas ng iyong ina.” (Prov. 1:8)
Maraming mga Kristiyano ang galit sa pagkakasal ng same-sex pero hindi naman kinakalaban ang “same sex ministry,” Hinahayaan lamang nila ang kalalakihan na magsermon, magturo, magdisipulo at maging pastor.
7. Maraming mga babae ang pinapunta sa ibang bansa, sa China, India at Africa para maging pastora dahil sa Amerika hindi sila pinayagang gawin ito. Nguni’t nang nakarating sila sa mga gubat at malalayong bayan, naging magigiting silang apostolic ambassadors.
Sa Nigeria, isang Scottish, si Mary Slessor ang nagtayo ng Kristiyanismo noong 1800 na hanggang ngayon ay matatag pa rin.
Ang kababaihan ay itinali, sinupalan, nilimitahan, inalisan ng pagpapahalaga at itinakwil. Subali’t malaki ang kanilang bilang at kailangan sila sa ating misyon, upang magtayo ng mga Kristiyanong negosyo, upang maging tagapagtanggol ng pamilya, upang maging pastora sa mga simbahan at magsermon, pati na rin para tumakbo sa mga pusisyon sa pulitika at maging tagapagsimula ng pagbabago sa lipunan
MGA PARAAN PARA MAWALA ANG MACHISMO SA SIMBAHAN:
1. Suriin ang iyong kasal. Paano mong tinatrato ang asawa mo? May kalayaan ba siyang magamit ang kanyang ‘spiritual gifts” o dekorasyon lamang siya. Humingi ng counseling kung sa tingin mo ay kailangan mo.
2. Baguhin ang inyong mga wika. Baguhin ang mga katagang “my men” o “my guys” at alalahanin na kung kailangan ng lipunan ng “fathering” o pagkalinga ng ama, mayroon ding “mothering” o pagkalinga ng ina.
3. Mag-alay ng iba’t ibang oportunidad para sa pagkilos ng kababaihang propesyonal, diborsyada, mga byuda at pati na ang mga nasa tahanan.
4. Tulungan ang mga babaeng walang asawa o hindi pa nagpapakasal, na matagpuan ang kanilang mga talino at kasanayan upang makapagsilbi sa mga pusisyong namumuno.
5. Tingnan ang mga suweldo ng kalalakihan at kababaihan. Pantay ba sila? Kung nagsisilbi ang asawa ng iyong tauhan sa ministry, siya ba ay sumusuweldo?
6. Magsanay ng mga gurong babaeng may kasanayan sa ministry na kaya ring magsanay ng mga babaeng namumuno.
7. Buksan ang pulpito sa mga kababaihan. Mararamdaman ng buong kongregasyon na ang Holy Spirit ay nagbabasbas ng lahat.
8. Mag-alay ng pag-aaral sa kalalakihan tungkol sa kung ano ang maayos na kasal, at ikompronta ang karahasan, panunupil, at exploitasyon ng kababaihan.
Hinango sa panulat ni J. Lee Grady,”Breaking Up the Good Old Boys’ Club” sa Ministry, Marso/Abril 2009. Si Grady ay editor ng Charisma at manunulat ng 10 Kasinungalingan na Sinasabi ng Simbahan sa Kababaihan. Sa pamamagitan ng kanyang Mordecai project, hinaharap niya ang pag-abuso ng kababaihan at tinutulungan ang mga simbahan na sanayin at hayaan ang mga babaeng mamuno. Bisitahin ang themordecaiproject.com.
Malayang salin sa Pilipino ni W. S. Orozco
Friday, March 5, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment