Thursday, August 6, 2009
PAKIKIRAMAY, PHILIPPINE WAY
Naririto ang mga sakripisyo ng ating taumbayan para lang makita ang kabaong ni Cory, para makita ang kanyang mga labi.
1. Ang pila sa La Salle at sa Manila Cathedral ay lumiliko sa mga daan-daan para lamang makasilip sa mukha ni Cory.
2. Umulan, humangin ng husto, kasi bumalik si bagyong Kiko. Ang kabataan na pinapunta ng mga guro nila para magsulat ng review tungkol sa nangyayari, nandoon, may dalang kapote at payong para makita ng husto ang mga pangyayari.
3. Mga babaeng may ipin at wala, mga vendors, mga fotographers, mga may cellphones at digital camera, nagsipunta rin para makasilip, makisama sa pakikidalamhati.
4. At pagkagaling sa Katedral, ang labi ay dinaan na sa Roxas boulevard hanggang sa Luneta. Duon bumuhos ang yellow confetti, at laban signs ng mga daliri. May mga sumisigaw din ng "cory, Cory."
5. Paglipat papunta sa Quirino ibang set naman ng mga tao ang naroroon na para bang ayaw ng taumbayang mawawalan ng titingin kay Cory.
6. Nang umabot na sa southsuperhighway, aba, alas gabi na, nasa daan pa rin si Cory? Bakit? kasi ibang grupo na naman ng taumbayan ang sumalubong sa kanya, mga nadagdag sa mga naunang sumama.
7. Pati ang mga Aquino ay natigagal sa dami ng mga taong gustong makasama sa paglilibing.
8. Hanggang sa pintuan ng Manila Memorial Park, marami pa ring gustong pumasok, kahit na umuulan, may dala dalang posters nila, "Mahal ka namin Cory."
Ngayon, kung may papanaw na isa pang opisyal ng bansa, huwag sana, sino ang papantay sa ganyang uri ng pakikiramay sa ngayon? Aber, hanapin.
Ito ang tandaan natin -- as a people, we are not plastic. If the people do not reveal their feelings right away, probe, probe why. Don't judge them in the negative way. Their silence means they are finding the right time, when everyone is ready to express their thoughts and feelings. But they are there -- they bide their time, in God's own way, in destiny's way. Let us respect the people's response.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment