December 26, 2019.
My assistant, Angela and I went to Knights of Rizal office along Roxas Boulevard.
Emma: Ma'am, I am a writer and dramatist. May I recite Huling Paalam at your observance of the Death anniversary of Jose Rizal?
Answer: A, our program is only for the members (all men). We just join the celebration of the National Historical Commission every year. They have a wreath laying at the Rizal monument in Luneta and then the program. You can contact them and present your idea. Here is their number - 09296982127 (name never mind.)
So I called up the NHCP
Emma: Good afternoon ho. I am (my name) am a writer and a dramatist. I would like to join your program on Monday, the 30th. I would like to recite Huling Paalam ni Rizal.
Reply: Saan nyo ho nakuha ang number na ito?
Emma: Sa Knights of Rizal ho.
Reply: Tapos na ho ang pagpaplano ng programa.
Emma: E. 'Day, may magre-recite by ng tula ni Rizal?
Reply: Wala ho.
Emma: E di tamang-tama. Ako ang tutula.
Reply: E yari na ho ang programa. May wreath laying ang Presidente sa monumento ni Rizal at pagkatapos ay magsisimula na ang programa.
Emma: Saan gaganapin ang programa?
Reply: Dito ho sa 4th floor ng National Historical Commission building.
Emma: Sinu-sino ang dadalo?
Reply: By invitation ho.
Emma: Hindi ba mahalaga sa inyo ang Huling Paalam? Hindi ba yun ang huling sinulat ni Rizal bago siya pinatay sa Luneta?
Reply: (Walang sagot) Sige ho, tatanungin ko lang dito. Tatawagan ko na lang kayo.
And so I waited that afternoon, the whole days of the 26th, 27th, and the 28th, but no one had called. Then on the 29th called that celfone again but no one answered.
Tanong: Si Rizal ba ay pang sanlibutan, pang masa o pang elitista?
Parang kailangang mag rebyu tayo:
1. Ano ang layunin ng pag-aaral ng kasaysayan?
2. Ano ang tunay na layunin sa pag-aaral ng buhay ni Rizal?
3. Sinu-sino ang dapag magpahalaga sa buhay ni Rizal?
4. Ano ang papel ni Rizal sa pagpapalaya ng bansa?
5. Bakit siya pinatay?
6. Sinu-sino ang mga nakinabang sa pagkamatay ni Rizal?
7. Bakit hindi tayo nagkakaisa sa pagkilala sa pagkabayani ni Rizal? Siya ba ay bayani ng iilan lamang o ng buong bansa at ng sanlibutan?
8. Magkano ang budget ng NHC para sa pagpapakalat ng kahalagahan ni Rizal?
9. Anu-ano ang programa ng NHC para makilala ng taumbayan si Rizal?
10. Saan kinukuha ng NHC ang mandato nito para gawing eksclusibo ang programa sa pag-observe ng Death Anniversary of Jose Rizal?
11. Anu-ano ang nangyayari kung malabo ang paningin natin kung sino ang dapat kilalaning bayani ng ating lahi?
Bigyan ng pag-aaral muli ang mga empleyado at opisyales ng NHC. Paki.
Tuesday, December 31, 2019
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment