Sawang sawa na akong makakita ng graffitti sa daan -- ibagsak; dag-dag-bawas; ibaba ang presyo ng gasolina.
Sigurado ako mga kabataan ang nagpipintura, ayon sa pag order ng mga nakatatanda sa kanila.
Pero ano nga ba ang dapat na trabaho ng estudyante?
MARAMI:
PPara sa tunay na pakikilahok sa edukasyon, dapat narito ang pagtuunan ng pansin ng mga kabataan, lalo na ng LFS or League of Filipino Students. Huwag na tayong magpa-macro-macro ng pagtingin sa mga problema. Isipin na lang natin ang araw-araw na dinaranas ng mga estudyante sa pampublikong eskuwelahan:
1. Mahal ng mga pagkain sa kantina. Sa halip na well-balanced diet sa halagang 65, nagiging 90 hanggang sobra sa isang daan ang nagagasta pangtanghalian. Kaya ang Chuirch of the Risen Lord sa UP ay nagbibigay ng tanghalian sa halagang P10 sa mga estudyanteng taghirap talaga. Paki donate lang mga kababayan ng abot-kaya ninyo para madagdagan ang mga bilang ng estudyanteng kumakain duon;
2. Tubig sa mga palikuran. Nakapunta na ba kayo sa mga eskuwelahang elementarya. Diyos mion, kelangan magtakip kayo ng ilong ninyo ng sanlaksa. Bakit ba, pag tinawag na public toilet ay parating ganyan. Umaalingasaw hanggang langit ang amoy. Saan napupunta yung tubig na dapat dumadaloy doon?
3. Bakit ang daming mga kalye aspaltado, maayos naman pero sinisemento pa? Magkano per square meter ang semento? Aba, yung matitipid sa mga struktura na yan, makakabili na ng mga murang meryenda at tanghalian ng mga kabataan.
4. Ang mga guro: may sapat ba silang audio-visual materials para mapaganda ang pagtuturo at maging epektibo sa pagbabahagi ng mga teorya at iba pang kaisipan sa mga kabataan? Meron ba silang colored paper, felt pens, wytboard, mga DVD or CD na naglalaman ng mga animation o documentaryo na makakadagdag sa kaalaman ng mga bata?
5. Ang mga silid-aklatan, bago ba ang mga aklat o kopong-kopong pa?
6. Ang mga kisame, meron ba itong foil na kisame para lumamig ang kuwarto kapag tag-init?
7. Ang kabataan, may tumutulong ba sa kanilang dalhin ang kanilang mga bag na sampung kilo yata ang laman na pinipilit nilang hilahin sa maghapon.
8. Kailangan ang libreng medical and dental services. Dapat may mga gamot na alternatibo at pharmaceutical sa eskuwelahan para ang mga bata ay makararanas kapag ng paggagamot ng sakit ng ipin, ulo, tiyan, at iba pa. Hindi na sila kailangan pang umuwi.
Yan ang galing ng UP, well-contained. Nandiyan lahat, pati klinik, dentista, x-ray, etsetera. Binibigay ang serbisyo sa lahat mula sa elementarya, hanggang sa mga non-academic personnel.
Sana ang UP ang gawing pamantayan kung ano dapat ang katatayuan ng bawa't eskuwelahan.
Dapat ay may libreng shuttle service sa school na maghahatid sa mga bata sa kani-kanilang mga tahanan o kaya sa pinakamalapit na lugar sa kanilang barangay. Ang transportasyon ng mga estudyante ay bahagi ng tungkulin ng local government. Huwag nating isiping pang pribado lamang ang bagay na ito. Marami nang iniisip ang mga magulang para idagdag pa ang pagpunta at pag-uwi ng mga bata.
8. Ang suweldo ng mga guro ay liliit ang halaga kapag tinaasan, kasi ang mga negosyante babawiin ang karagdagang pasuweldo sa mga manggagawa na humihingi rin ng suweldo. Ang dapat diyan, huwag na muna nating bayaran ang mga pagkakautang sa labas na hindi naman tayo ang nakinabang. Pangalawa, burahin sa listahan ng mga batas ang EPIRA law.
Mga Kababayan ko, kailangan, i-focus natin ang ating paningin sa mga batang nag-aaral sa ngayon. Sila ang mga magiging leader o pinuno ng ating bansa. Paanong mangyayari kung kulang ang kanilang pinag-aralan, o kaya ay puro na lang sa kompyuter ang natututunan nila?
Sabi nga ni Kalihim Leonor Briones, dapat hikayatin nating silang magbasa ng aklat.
At may isa akong hihilingin sa Kalihim, ibalik ang pag-aaral ng musika sa lahat ng antas ng pag-aaral mula sa kinder, hanggang sa kolehiyo.
Kapag marunong umawit ang isang tao, hindi siya kailangang magmukmok sa problema. Aawitin niya ang kanyang hinagpis, ang hirap, tuwa at ligaya.
Ang ugat ng educasyon ay mapait subali't ang bunaga nito ay matamis.
- Aristotle
No comments:
Post a Comment