Monday, May 14, 2018

MGA TANONG TUNGKOL SA BARANGAY ELECTIONS



Natapos din sa wakas ang eleksyon para sa barangay. Parang napakalaking bruhaha ang nangyari sa pagboto ng mga susunod na liderato, pati na sa kabataan. Pero ang tanong: bakit masyadong naka focus ang mga tao sa paghahalal ng susunod na mga pinuno, pero pagkatapos ay hindi na binubusisi kung ano ang ginagawa ng mga lider na nahalal?

Alam ba natin kung ano dapat ang matatanggap natin sa Barangay?

Ang Barangay ay isang sentro ng lingkod bayan sa pinakamaliit na sistemang political subali't napakamakapangyarihan. Sa katunayan, kapag mga eleksyong nasyonal, nililigawan ng mga pulitiko ang mga barangay chair para mahikayat ang mga tao sa kanyang lugar na iboto sila. 

Dito natin makikita na ang Comelec ay hindi nagtagumpay sa pagtataas ng edukasyon ng mga tao tungkol sa mas makahulugang bahagi ng pamamahala ng ating gubyerno. Sila ay nalulubog sa paghahanda sa eleksyon, sa pagtingin sa mga kasalanan o pagkakamaling nagawa sa panahon ng eleksyon pero zero sa pagpapaangat ng kamalayan ng mga tao, lalo na ng kaalaman kung anu-ano ang relasyon nila sa mga pinuno. 

Kadalasan ay parang utang na loob pa natin sa mga nakaluklok ang tayo ay pagsilbihan, sa halip na makita nating ito ay kanilang sinumpaang tungkulin at nararapat lang na tayo ay pagsilbihan. 

Anu-ano ang inaasahan natin sa Barangay?

KAPAYAPAAN

Ang Barangay kapag magulo ay maraming patayan, maraming nag-aaway na mga pamilya, at hindi makapaglakad ng mapayapa ang mga tao sa gabi. 

Ang Barangay ay magulo kapag may nagvi-videoke hanggang alas 11 at mahaba pa rito sa gabi, dahil kaarawan daw ng isang pulis o kamag-anak ng isang opisyal ng barangay. 

Ang Barangay ay magulo kapag ang isang kalye ay isasara dahil lamang sa may pagdiriwang ng kaarawan. 

Ang Barangay ay magulo kapag ang mga traysikel ay mayayabang, namimili ng pasahero, mahal magpabayad, at akala mo sila pa ang dapat yukuran ng mga pasahero. 

Samakatuwid, dapat harapin ng Barangay ang maraming bagay na magbibigay na kapayapaan sa lugar. 

SEGURIDAD

Nung nakatira pa ako sa bahay ng Nanay ko, yung katabing bahay namin ay pinagbili sa isang may-ari ng nagbebenta ng household appliances. Yung construction head nito ay nagbungkal ng lupa, na nagdulot ng "cracks" ng aming bahay sa likod. 

Sa halip na humingi ng kapatawaran, ang yabang pang nagsalita itong "head" na ito at nagsabing "Sige idemanda nyo kami at ipapa-condemn namin ang bahay ninyo," sa harap ng Barangay officers. 

Ano ibig sabihin nito, mayabang siya kasi alam kong naglalagay siya. Nung nagharap kami sa QC Hall, nakita kong may inabot siya sa isang officer ng isang departamento, patago, tinakpan ng envelope. 

Samakatuwid, ang seguridad ay hindi maaasahan kung may mga taong ginagamit ang pera para mang-api ng mga kapitbahay. 

At ano pa ang seguridad? Marami akong maikukuwento sa kung ano ang nangyari sa aking mga gamit, na dahil ako ay lumipat na, ay nagsisilitawan. 

Bakit ganun? Kasi may mga taong ginamit kung sino man ang nagha-harass sa akin, na aking mga kamag-anak upang sirain ang buhay ko sa bahay na iyon para mapapayag akong maipagbili ito,  

Yung aking video camera at isang mataas na itim na maleta ng anak kong namatay ay nawawala. Hanggang ngayon hindi masagot ng 8888 at sabi ay kontakin ko ang Camp Karingal na nung tinawagan ko naman, ang sabi ay nasa Channel 2 raw. May nagsoli raw duon. Pero kung tinatawagan ko naman ay bina-block ang calls ko. May jammer sa paligid namin. 

At ngayong nakalipat na ako ay biglang nawalang isa-isa ang mga pang-haharass sa akin.
Pero may kapitbahay naman sa kabilang building, na kaharap ng building na tinitirhan ko, may mga nakatirang pamilya rin ng pulis, na araw-araw ay nagtatapon ng earbuds, papel ng kendi, at kung anu-ano pa sa aking daraanan. 

Samakatuwid, ang seguridad ko, ang pangangailangan kong magkaroon ng matahimik na pamumuhay ay sinisira ng pamilya na yun. 

Alam kong ginagawa ito sa akin dahil sa ako ay isang kritikal na manunula.  
  
Folks, isang katerba ang nakaantabay kapag ako ay umaalis ng aking unit. Minsan, biglang akong tumakbo upang alamin kung saan nanggagaling yung amoy ng sigarilyo at may nakita akong tumatalilis na lalaki sa loob ng hallway ng building. Samakatuwid, nakapalibot lahat ng mga taong it. 

Ngayon lang ay may lalaking naninigarilyo sa labas ng internet shop na ito at nagbubuga ng usok ng sigarilyo sa loob, at nalalanghap ko dahil nasa tabi ako ng pinto. Nagkamali ako ng napiling upuan . 

So Folks, ang seguridad ay isang napakahirap na tema para pag-usapan talaga para sa isang manunulat na katulad ko. 

Narinig ko nga ang isang Comelec commissioner, sabi, "if you find out that someone cheated in the elections, you should be ready to finish the investigation ang court hearings. You should be ready to die."

Ano, mamamatay siya dahil ang Comelec ay hindi kayang maresolba ang mga pandaraya sa eleksyon? Puwede ba? Ganun na ba kababaw ang maging bayani dito sa ating bayan 
Excuse me, Madame, please check your organization before you require media practitioners to sacrifice their lives for what is really the work of an inept organization as the Comelec. 

Job Security

Minsan nabasa ko sa tarpaulin, nagkaroon pala ng candle-making workshop ang barangay. Pero tapos na. Bakit ganun? Itinaas ang tarpaulin tapos na? Paano yung mga taong kung natuto sana ay nagkaroon ng trabaho?

Anong nais nating sabihin dito? Ang Barangay dapat ay may job center na sisiguraduhing lahat ng tao ay may trabaho at hindi tambay lang. 

Kapag ang tao ay tambay, ang utak ay di gumagana at parating nakafocus sa katawan niya. Pag-uwi ng lalaki sa bahay, kinakama kaagad ang asawa. Ang asawa naman, kung matapos magluto at ibang gawaing bahay, mag to-tong its. Ganun ba? Malusog ba ang barangay na ganyan? 

Hindi siyempre kasi ang utak ay lumiliit, at nawawalan ng malawak na pananaw kung sino siya bilang isang mamamayan hindi lamang sa pamilya, sa barangay kundi hanggang sa malaking lipunan.

Ang job center ay dapat na may listahan ng mga "available jobs" hindi lamang sa loob ng barangay kundi sa ibang lugar din upang mas maraming oportunidad ang makukuha ng mga "constituents," at hindi na sila kailangang mamasahe pa, gumasta sa pananghalian para lamang makapag-aplay sa trabaho. Samakatuwid, dapat may links ang job center na ito sa lahat ng job centers. 

Dapat  ding magkaroon ng mga pagsasanay ang Barangay kung paanong magtatagal sa trabaho ang isang empleyado upang hindi palipat-lipat. Magkaroon din ng mga regular na pagsasanay kung paanong magkaroon ng negosyo hindi minsan sa isang taon lamang. 

Sa aming Barangay, masyadong "polarized" : may mga taong nakahiga sa pera, at mayroon ding isang kahig, isang tuka. Mayroon ding nagkukunwaring mahirap yung pala ay milyonaryo o milyonarya dahil nagpapaupa ng mga kuwarto sa "squatters' areas" kung tawagin. 


PROSPERIDAD 

Ang pagiging malago, o "prosperous" ay hindi lamang sa kapal ng pera sa bulsa. May tinatawag na "prosperous mind." Ano ito? Ang Barangay kung maigi ang pamamalakad ay nakapagbibigay ng pag-asa sa mga "constitutents" para sila ay maging mapanlikha sa paglutas ng mga suliranin sa loob at labas ng kanilang tahanan. 

Ang isang "prosperous mind" din ay pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kung paanong tatanggalin ang isang pinuno ng Barangay kapag hindi kumikilos ng mabuti -- nagpo-protekta ng mga durugista, hinahayaan ang tong-its, marumi ang kapaligiran, etsetera. 

Samakatuwid, dapat siguraduhin ng Comelec at ng Department of Interior and Local Government na ang mga mamamayan ng Barangay ay may armas  na kaalaman upang patalsikin ang isang pinuno kung hindi nito ginagawa ang mga tungkulin, kung nagtatangi {discriminatory} at kung umasta akala mo ay pag-aari niya ang Barangay office -- na hindi man lamang mapahiram ang kompyuter, kahit na ang sulat na isusulat ay para sa Kapitana. 

Yung Prosperidad ay tungkol sa bulsa. Dapat palawakin ng National Economic Devt authority ang big sabihin ng "development" kasama na ang economic development ng mga mapanlikhang taumbayan. 


Anong mga mapanlikhang gawain: gumagawa ng mga kakanin, nagkukumpuni ng mga sirang gamit sa kusina, at iba pang lugar, gumagawa ng mga paintings, sculpture, nagbi-beadworks, etc. 

Samakatuwid, arts and crafts ay dapat papagyamanin sa barangay, at dapat magkaroon ng mga Festival of Handicrafts, o katulad nito kung saan maipagmamalaki ng taumbayan ang kani;amg sariling likhang kamay at dapat na maipagmalaki dahil marangal ito. 

Ang hirap kasi sa ating bansa ay tinutukoy lang parati ay mga imported good, hindi ang sariling likha ng ating mga kababayan. 

Dapat baguhin natin ang ating isipan tungkol sa Prosperidad. 

PANINIWALA SA DIYOS 

Kapag napatimo natin sa taumbayan ang paniniwala sa Diyos, mawawala ang mga gangsters, ang mga armadong grupo, ang mga durugista, at iba pang masasamang elemento sa aitng lipunan. 

Paanong gagawin ito ng Barangay? Magkaroon ng Ecumenical Centers sa bawat Barangay kung saan ang iba't ibang relihyon ay maaaring magmisa rito. Dapat hikayatin natin ang "religious tolerance" -- na tayo ay hindi lamang Kristiyano, Katoliko, Sabadista, Metodista, Muslim, atbp. Na ginagalang natin ang paniniwala ng bawa;t isa.

LIBRENG SAKAY  

Dapat  magpatupad ng libreng sakay ang gubyerno para ang mga "settlers" dito sa Maynila na kapos, ay magkaroon ng byahe minsan sa dalawang taon ang bawa't mamamayan, at  makakauwi sila sa probinsiya nila at makakaramdam ng pagkalinga ng kanilang mga kababayan. Baka gustuhin na rin nilang manirahan duon, pagkatapos kung kayat dapat ay bigyan ng pagkakataon ang lahat na makabalik, o makabisita sa kanilang pinanggalingan. 

Lahat tayo ay naglalakbay dito sa mundo natin. Bigyan natin ng pagkakataon ang lahat na makapaglakbay ng mapayapa, matiwasay at alamin kung ano ang tunay nila talagang gusto sa buhay. 

Ang pagkilala ng iba ay tinatawag na intelihensiya; ang pagkilala ng sarili ay tunay na karunungan. Ang pagsupil ng iba ay kalakasan; ang pagsupil ng sarili ang tunay na kapangyarihan. Lao Tzu

“Knowing others is intelligence; knowing yourself is true wisdom. Mastering others is strength; mastering yourself is true power.”

No comments: