MGA KABABAYAN SA CONDOMINIUM UNITS
Ang baradong
sewage system sa groundfloor, sa mga units A, ay nagpapahirap sa paghinga,
pagtulog at paglalakad ng mga naninirahan dito.
Tinangkang ayusin ng Association ito subali’t nag-breakdown ang makina.
Ngayon, isang unit owner ang nagmagandang loob at kinatulong si Pabling para
malinis ang mga tubo ng sewage system atnatagpuan kung bakit barado:
Buhok Sebo
Condom Panty; atbp
Ang
mga bagay na ito ang nagging dahilan ng pagbabara at siyang nagdudulot ng
perhuwisyo sa ating pamayanan. Mahalagang masolusyonan ito dahil kung hindi ay
1.Darami
ang mga lamok, maaaring maging dahilan ito ng mga sakit na malaria at dengue,
liban pa sa pananakit ng tiyan dulot ng pag-singhot ng masamang hangin;
2,
Pati ang pagtapak ng maruming tubig sa daanan at pagpasok n gating mga sinelas
at sapatos sa bahay ay magdudulot ng panganib dahil papasok ang mga mikrobyo at
bakteria na dala ng tubig;
3.
Ang mga bata ay lalo’t higit na magiging vulnerable o mahina sa paglaban sa mga
sakit dahil mura pa lamang ang kanilang katawan;
4.
Pag nagpatuloy ang kalakaran at nagkasakit tayo, mararatay tayo sa karamdaman
at mawawalan ng pagkakataong maghanap-buhay at humanap ng paraan para umigi ang
ating pamumuhay;
KUNG
KAYA’T UGALIING:
1.
Huwag
magtatapon ng mga pagkain sa lababo. Linisin muna ang mga plato ng mga kanin
bago hugasan;
2.
Buhusan
ng mainit ang lababo para matunaw ang sebo;
3.
Ibalot ang kondom sa papel at itapon sa
basura, huwag sa toilet bowl. Hindi ito natutunaw sa tubig dahil goma ito na may plastic;
4.
Huwag
maglalaba at ibubuhos ang tubig sa toilet bowl dahil maaaring may masamang
maliliit na damit, tulad ng medyas at panty na siyang magiging dahilan ng bara;
5.
Huwag
magtatapon ng upos ng sigarilyo sa lababo, sa toilet bowl o kahit saan.
Parating itapon ito na patay na ang sindi sa basurahan.
TANDAAN
NATIN: ANG MALINIS NA KAPALIGIRAN AY NAPAPANATILI SA PAGIGING AKTIBO NG LAHAT
SA PAGBANTAY SA KALAGAYAN NITO MINU-MINUTO, ARAW-ARAW. 5. Ang malinis na
kapaligiran ay magdudulot ng higit na malusog na pamayanan.
ANG SAMA-SAMANG PAGKILOS
TUNGKOL DITO AY MAGDUDULOT SA ATIN NG PAGSAMYO NG MABANGONG HANGIN GALING SA KAPALIGIRAN AT MAGIGING MAPAYAPA ANG ATING PAMUMUHAY. ANG PAGSAMYO NG OXYGEN AY NAGBIBIGAY NG KALAKASAN NG ISIP, KATAWAN AT DAMDAMIN TUNGO SA ISANG SPIRITUWAL NA PAMUMUHAY.
No comments:
Post a Comment