Wednesday, June 14, 2017

Pandaigdigang Kongreso

Pandaigdigang Kongreso sa mga Pag-Aaral Hinggil  sa Filipinas sa Wikang Filipino
2-4 Agosto 2017 Pambansang Museo Lungsod Maynila
Pagbabalik, Pagbabantayog sa Filipino
Panahon nang ibantayog ang Filipino bilang wika ng karunungan at gamitin ito sa iba’t ibang disiplina o larang, lalo na sa mga pag-aaral hinggil sa ating bansa upang mapalaganap ang diskurso ukol sa pagiging Filipino at para sa sambayanang Filipino.
Layunin ng Kongreso na:
  • makabuo ng isang bagong pagtanaw sa Filipino
  • matipon ang mga iskolar at mga pag-aaral hinggil sa Filipino at mahimok na gamitin ang wikang Filipino sa kanilang saliksik
  • malikom ang mga pinakaprogresibo at siyentipikong pagsusuri sa wika, panitikan, kasaysayan, sining, at kultura ng Filipinas
  • mabalangkas ang isang pangmatagalang estratehiya tungo sa edukasyon hinggil sa Filipinas na gumagamit sa wikang Filipino
Inaanyayahan ang mga kasapi ng Philippine Studies Association at mga kaugnay na kapisanan o organisasyon, mga iskolar sa lahat ng disiplina, sa loob at labas ng bansa, na magsumite ng panukala.
Ang panukala ay dapat binubuo ng:
  • Email
  • Affiliation
  • Abstrak na hindi hihigit sa 250 salita
  • Organisasyon
  • Telepono
Kasaysayan, kultura, panitikan, at mga wika ang mga pangunahing larang na bibigyan ng tuon.
Tatanggap ng hanggang tatlong panel na may tigtatatlong miyembro at hanggang 25 na indibidwal na presentasyon. Ang mga isusumiteng panukala ay kailangang:
  • makapag-aambag ng bagong idea at/o saliksik sa mga nabanggit na larang o disiplina; at
  • nasa wikang Filipino; Filipino rin ang gagamiting wika sa presentasyon;
  • orihinal na akda at hindi pa isinusumite sa iba upang ilathala o ipresenta;
  • makapag-aambag sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa Filipino at Filipinas at humahámon sa mga umiiral na kaisipan o teorya.
Rehistrasyon Mga kalahok (nasa Filipinas) Regular rate      PHP3,500 Maagang pagpaparehistro PHP3,000 (hanggang 15 Hulyo 2017) Estudyante (may balidong ID)            PHP2,000
Mga banyaga Regular rate      $150 Maagang pagpaparehistro (hanggang 15 Hulyo 2017) $120 Estudyante (may balidong ID) $100
Maaaring magbayad sa kongreso na mismo o sa pamamagitan ng pagdeposito sa akawnt ng KWF
Landbank of the Philippines Malacañang Branch Pangalan:        Komisyon sa Wikang Filipino Akawnt Blg. 1512-1036-30
Kailangang isumite sa rehistrasyon ang resibo ng deposito/katunayan ng pagbabayad. Mangyaring ipadala rin sa kongreso2017@gmail.com.
Mungkahing paksa para sa presentasyon ng indibidwal o panel
  • Ang Bayan at Kasaysayan
  • Pagwawasto sa Kasaysayan
  • Espasyo ng Kasaysayan sa Edukasyon
  • Pagtuklas sa mga Bagong Bayani ng Bayan/Bansa
  • Ang Etniko at ang Popular
  • Wika at Media
  • Pagbuo ng Isang Pambansang Panitikan ng Filipinas
  • Bagong Pagtanaw sa Kritisismong Pampanikan
  • Popularisasyon ng mga Epikong Bayan
  • Komparatibong Pagsusuri sa mga Panitikang Bayan
  • Gramatikang Filipino
  • Kasalukuyang Tunguhin (recent trends) sa Lingguwistika
  • Wika at Politika
  • Wika at Demokrasya
  • Federalismo: Pros at Cons
  • Integrasyon ng Katutubo at Separasyon ng Muslim
  • Ang Bangsamoro
  • Pangkulturang Ugat ng Suliranin sa Droga
  • Problema sa Reporma sa Lupa
  • Migrasyon
  • Mga Katutubong Kaalaman
  • Wika at Saliksik
  • Wika at ang Produksiyon ng Kaalaman
  • Wika at mga Agham at Matematika
  • Pagsusumite at Pagsusuri
Ang lahat ng panukala ay isusumite sa:
Komisyon sa Wikang Filipino 2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye Jose P. Laurel, San Miguel, 1005 Maynila kongreso2017@gmail.com, komfil@kwf.gov.ph
Mga Petsang Dapat Tandaan
Pagsusumite ng mga panukala 16 Enero 2017 Pag-anunsiyo sa mga napiling saliksik 17 Pebrero 2017 Pagsusumite ng buong saliksik 3 Abril 2017 Kongreso 2-4 Agosto 2017
Iba pang detalye
Makikita sa pandaigdigangkongreso.wordpress.com at www.fb.com/PandaigdigangKongreso ang mga detalye hinggil sa rehistrasyon at iba pang impormasyon (talaan ng mga otel, pagpunta sa pagdarausan ng kongreso, atbp).

No comments: