PANAGHOY
NI MONICA
1
SA
PAPEL DUMADALOY ANG TINTA NG BUHAY,
SA
PAPEL KUMIKINANG ANG LIGAYA AT TUWA NG SANGKATAUHAN
SA
PAGDARAAN NG PANAHON
PINATITINGKAD
ANG KULAY NG DAIGDIG
NAGKIKIPKIP
NG PAG-ASA AT IKINAKALAT ITO
SA
GITNA NG HAPIS AT LUHA
OO,
OO, OO....
2
SAYA
AT LUNGKOT
DUSA
AT NGITNGIT
PAG-ASA'T
PANLULUMO
PAGDIRIWANG
AT PAGKABIGO
NAISUSULAT,
NAPARARATING, SA MALIKHAING HUGIS,
SA
LAHAT NG MGA PUMIPINTIG NA MGA PUSO
SA
MGA BUHAY
NA DIWA
SA
MGA KALULUWANG YAKAP-YAKAP NG MAYKAPAL
OO,
OO, OO....
3
HINDI,
HINDI KAYLANMAN HIHINTO SA PAGTATANIM, PAG-AANI AT PAGPAPALAGANAP NG
MGA
BAGONG
KAISIPAN AT KILUSAN,
HINDI,
HINDI KAYLANMAN HIHINTO
SA
PAGPAPADAMA NG DAMDAMIN
SA
MGA PUMIPINTIG NA MGA PUSO
SA
MGA BUHAY
NA DIWA
SA
MGA KALULUWANG YAKAP-YAKAP NG MAYKAPAL
OO,
OO, OO.
Sinulat
ko ito noong A-2 ng Enero 2017 sa gitna ng aking matinding
kalungkutang nadama sa pagpanaw ni Monica.
No comments:
Post a Comment