Monday, December 5, 2016

goodbye Taiwan

GOODBYE, TAIWAN
by Wilhelmina S. Orozco

Lying down on the sofa, Sofia had felt so relaxed, and free. She had just flown in from Taiwan where she had worked for five years as an electronic engineering technician. Now she is just lazing around. Eating, sleeping, going out with her sisters, and just plainly unwinding after the much gruelling work she had experienced.

It would have been easy for her to stick around in Taiwan as she had become a favorite of management. She learned the Chinese language easily, so she could communicate with them at anytime, while being adept with the electronic machines to be operated on. The machines produce spare parts for computers which are for export to Japan. Her salary was big, five times over than what she used to receive in the Philippines.

But then, the Chinese employees received three times more than her co-Filipino women.

Kahit na bagong pasok palang ang Intsik, mataas na kaagad ang sahod kesa sa amin. Tapos, kahit na ang bagal matuto ng kanyang trabaho, ganun din. Kung minsan, basa ng basa ng instructions book pero hindi makaintindi at kailangan ko pang ipaliwanag sa kanya. Sila inaabot ng isang buwan bago matuto pero ang Pinay dalawang linggo lamang. Yan ang mga kinasasama ko ng loob sa pagtatrabaho dun, Ate.

Sa pagkukuwento ni Sofia sa kanyang ateng si Bernadette ay naiibsan ang sama niya ng loob.

Pero paano yan, wala ka ng trabaho?

Ate, madali naman akong makahanap pa. Bata pa ako, trenta'y uno anyos. Marami pang kukuha sa akin.

Napakaespesyal ng kasanayan mo. Ng skills mo. Baka kakaunti lamang ang mga kumpanyang kumukuha ng kaparis mo.

Balak kong magpunta sa Canada. May mga Filipina, ginagawa nilang jumping board ang Taiwan at ngayon ay nasa Canada na.

Ibig mong saibhin, babalik ka pa rin sa Taiwan?

Oo, Ate, pero sa ibang kumpanya na lang, hindi na sa dati. Yun din ang payo sa akin ng aking mga kaibigang Intsik.

Aba ang galing. Nakaibigan mo rin pala ang mga Intsik na babae.

Napabuntunghininga si Sofia. Mababait ang mga Intsik na kasama niya sa trabaho. Nililibre pa siya at ang mga kapuwa niya Pinay, pagkatapos ng trabaho. Galante. Maraming binibigay pa sa kanila para pampasalubong sa Pinas – mga kakanin. Pinapayuhan din sila.

Alam ng mga Intsik na mga kaibigan ko, Ate, na malaki ang agwat ng aming mga suweldo kaya madalas para maibsan ang sama namin ng loob, nililibre kaming mga Pinay para kumain sa labas.

Mabuti at wala naman palang diskriminasyon sa inyo.

Pinapayuhan pa nga ako, 'Umalis ka na rito, umuwi ka at pagkatapos bumalik, pero siguraduhin mong mataas na ang puwesto mo at pati suweldo mo,' wika nila.

Bakit kailangan mong umuwi pa? Bakit di ka nalang lumipat agad sa ibang kumpanya?

Bawal yun Ate, nasa kontrata naming uuwi kami pagkatapos ng termino namin. Kung hindi, made-deport ako kapag nahuli. At hindi na ko makababalik pang muli ruon.

Maganda ang Taiwan. Maraming tanawin na bundok, ilog, luntiang taniman, na parang probinsya din dito sa atin sa Pinas. Naaalala ko nga ang Pinas kapag namamasyal ako ruon, kasama yung isang lalaking kaibigan ko.

Paano nga bang napalapit at naging kaibigan ni Sofia si John?

Vendor ng orange si John at tuwing dumarating sa kanilang pabrika ay binibigyan siya nito. Libre pero sa mga kasamahan niya ay may bayad.

Why you give her free oranges but we, we have to pay, John? ang tanong ng mga kasamahan niya. Hindi naman kikibo si John at yuyuko na lamang na nahihiya, mamasdan ang sahig.

Sofia, sasama ka ba sa amin, papunta kami sa mall mamaya at mamamasyal, ang tanong ng Ate ni Sofia sa kanya.

Hindi na lang Ate, dito na lang ako, manonood ng TV.

O sige, may pagkain diyan sa ref. Kumain ka kung nagugutom ka.

Sige, Ate.

Nang nakaalis na ang Ate niya at mga pamangkin, binuksan ni Sofia ang TV pero pagkatapos ng ilang minuto, umayaw na siya sa panonood. 

Malalaswa ang suot ng mga babae sa TV. Hindi niya gusto. Sa Taiwan, di puwede yung mga babaeng naka-shorts. Sa cable TV makikita yung mga yun pero hindi sa mga Taiwanese channels. Mahigpit ang gubyerno ng Taiwan sa mga producers ng TV programs.

Yun ang isa sa mga nagustuhan niya sa Taiwan, kahit na tawagin pang konserbatibo ang di pagpayag sa pagpapalabas ng hita sa TV. Para sa kanya, mahalaga pa ring pangalagaan ang katawan ng babae. Hindi ito binubuyangyang sa publiko.

Natutuwa si Sofia na mas pinipili ng Ate niya na manirahan at magtrabaho bilang guro dito sa Pilipinas, kahit na maliit ang natatanggap na suweldo. Napamahal na sa Ate niya ang mga estudyante niya. Malayung malayo ang kanilang mga larangan ng trabaho.

Special skills ang kanyang trabaho at halos walang kumpanya ng electronics na nakatayo rito. Mahal kasi ang kuryente. Yung iba naman ay nag-alsa balutan na at lumipat ng Tsina kung saan mas mura ang pasuweldo. Kaya't pwersado rin siyang mag-abroad at di kalawangin ang mga napag-aralan niya sa kolehiyo.

Panakanaka sumasagi sa isipan ni Sofia si John, at di niya mawari kung dapat ba siyang manghinayang sa di niya pagsagot ng oo sa kanyang proposal.

Pero ayaw mapaibig ni Sofia. Ayaw niyang tumira sa Taiwan, kasi alam niya, habang nanliligaw lang si John. Hindi siya siguradong magtutuluy-tuloy ang kabaitan niya. 

Kasi may mga nababalitaan siyang kapag kasal na ang lalaki ay nagbabago at ina-under ng husto ang babae. Kung magkaminsan pa ay sinasaktan. Kahit na may diborsyo duon sa Taiwan, ayaw pa rin niya, kasi ang kasal ay nakamulatan na niyang panghabambuhay. Ang kanyang mga magulang ay kasal ng 40 taon at di pa naghihiwalay. Nakatira sila sa probinsya silang dalawa sa Ilocos.


Yun ang nakagisnan ni Sofia – ang kasal ay hanggang libingan para sa dalawang magsing-ibig. Dala-dala niya ang kaisipang ito hanggang sa Taiwan. Sa katunayan, madalas niyang sabihin sa kanyang mga kaibigang Pinay, na matanong kung bakit siya mapili, “Gusto ko, libre pa rin ako, malayang makakapagsalita, hindi yung taga-silbi lamang ng asawa at tagasunod ng bawa't pasya niya.”

Bagaman konsserbatibo si Sofia, alam din niya na dahil sa kanyang edukasyon, umabot na siya sa punto na ang paggigiit ng kanyang mga isipan at paninindigan ay di na niya kayang isuko kaagad-agad. At alam din niyang matagal bago magbago pa ang mga lalaking Intsik sa pagtanggap sa katulad niya.

Biglang tumunog ang celfon ni Sofia, ang kaisa-isang device na pinagtiyagaan niyang mabili sa Taiwan.

Hello, Tessie, hi!!

Yes, I'm here in the Philippines. How are you?

No, I won't return there yet. I am on vacation with my sister here in Manila. I have just come from the province up north to see my parents. But now, I am just lazing around.

Yes, I miss you too.... No, I have not been looking for a job yet Maybe after a month.... Yes, yes. I think it will be in Taiwan again. But as you said, it has to offer something higher than what I used to receive there.... Yes, yes, thank you for your advice.... John? No, I don't miss him at all. Why do you say that? ….No, I can't marry him. He is hiding his real self. Ha! Ha! Don't worry when I find a man, I will inform you right away.... Thanks, thanks for the advice. Yeah, see you again. Chao. Thanks for calling. Bye!

Mahaba yung tawag na yun ni Tessie. At naiiling si Sofia. Kayang-kayang bayaran ni Tessie ang kanyang phone bills, samantalang siya, tipid  na tipid ang mga texts, lalo na ang direct calls. Puro prepaid cards ang gamit niya.

Tumutulong pa sa pagpapapaaral ng kanyang kapatid si Sofia, at gusto niya, lahat sa pamilya ay makatamasa ng “'katas' ng kanyang paghihirap sa abroad.”

Nakahiga si Sofia sa kama niya nang tumunog muli ang kanyang celfon. Tumayo siya at lumakad papunta sa sala kung saan mas malakas ang signal, habang sinasagot ang tawa.

Hello! Hello!.

Walang sumasagot.

Hello? Hello?

Maya-maya ay may sumagot na.

Oh, hi John. How are you?

Oh, I'm okay. How are you? When are you coming back here to Taiwan?

John, I have just returned from there. I am still enjoying my vacation.

You did not tell me that you were going back to the Philippines.

Oh, I am sorry, I was not able to inform you.

I could have gotten you a job here, except that you have to marry me first.

John, we talked about this already. I am not ready to get married yet.

But then you need not have gotten back to the Philippines. I could take care of you here.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa ni John. Maya-maya ay narinig na naman ni Sofia ang boses niya.

Don't you like Taiwan?

Sa halip na tanungin ni John kung may gusto siya sa kanya, Taiwan ang sinabi. Napabuntunghininga na naman si Sofia.

Of course I like Taiwan, but I didn't like my job anymore, John. I was overworked already.

You could have complained.

Am a foreign worker and it is not easy to complain, you know that John.

You never told me your problems in your work.

Yes, I kept them to myself, but you see, now I will tell you. The company took advantage of me. They knew I could speak Fukien; so then, they gave me additional work to do like train new workers, on top of doing my original work as stipulated in my contract. I was being called from one department to another to help fix production problems.

Didn't you like that, you were in demand?

I was in demand without additional compensation

I see.

So I decided to leave the company instead.

Where are you applying now?

Er...I would like to …

Atubili si Sofia na sabihin ang totoo pero alam niyang kailangan na rin niyang tapatin si John.

I ...would like to work in Canada.

Canada? That's too far.

The benefits are better there. I could be a resident after four years only and the pay is higher.

Mahabang katahimikan na naman ang namagitan sa kanilang dalawa. May narinig na paimpit na paghinga si Sofia.

Hello, John, are you still there?

Yes, I am still here.

Narinig ni Sofia ang pag-ehem ni John.

So what do you think of my going to Canada?

I would like to see you when you get there. It might be nice to see another country.

Nabigla si Sofia sa sinabi ni John. Hindi niya akalaing sasabihin ito. Ano'ng isasagot niya?

Well, it's up to you John. You can afford to go there anytime, isn't it? Ha! Ha! Ha!

I will call you again, if you don't mind. I have to meet a client now.

Sure, John, Thanks for making this call. I like hearing your voice again.

Really? Why, thanks for that. I will cherish that.

Ok, I will say goodbye now.

I will call you again.

Oh, thanks.

Ano ito, long distance friendship? Ang tanong ni Sofia sa sarili. Magastos 'to a, at saka di ba, ayoko ng Intsik na asawa? Pero parang iba si John sa telefono, parang hindi lalaking sinauna. Takang-taka si Sofia. Paano ito, susundan siya sa Canada. Huh?

Palaisipang tunay kay Sofia ang pagtawag ni John, at parang nayuyugyog ang lahat ng plano niya sa buhay.

A, basta, kaibigan...kaibigan lang ba sila?

Goodbye, Taiwan. Parang hindi na niya masabi ito.


No comments: