Sunday, March 6, 2016

MARSO 8, ARAW NG KABABAIHAN, ISANG MALUNGKOT NA ARAW





The spate of criminal violence against women is shocking. A woman's body was chopped off by his foreign husband. A mother with children was hit in the head with a hammer by a technician who was supposed to tinker with her internet connections. A woman manager of a resort hotel was found to have been killed by suffocation in a room with four of the other visitors inside being hunted down as perpetrators of the crime. 

All these occurring in the administration of an official whose mother was the first woman president of our country. 

Bakit nangyayari ito ngayon sa ating bansa? Ano ang kasalanan ng kababaihan na tayo ay nagiging target ng kamunduhan, ng kriminalidad? Ano ang nagawa natin para sila ay magalit at gamitin ang mga mararahas na paraan para isakatuparan ang kanilang nais?

Computer war games
Anong klaseng edukasyon tungkol sa kababaihan, tungkol sa pagkakapantay-pantay ng mga tao ang kanilang natanggap? Sila ba ay nagko computer games? Kung gayon, anong klaseng mga computer games ang pinapanood nila na siyang naguudyok sa kanila para maging bayolente? Hindi ba ganun ang tinuturo ng mga war games sa computer na puwedeng mapaglaruan ninuman sa kahit na anung internet kiosk dito sa ating bansa, at ni walang restrictions kung sino ang mga maglalaro nito? Higit sa lahat, nabibili kung saan-saan ang mga computer war games na ito. 

Ano ang natura ng mga war games na ito? Sa simula pa lamang may hawak ng baril ang naglalaro at tumutugis ng kaaway. Kung ang isang tao ay maglalaro nito, ng anim na oras, tulad sa isang kiosk na alam ko, kung saan pagdating ng alas dose ng gabi, ay isang tropa na ng kabataan ang naglalaro, hindi kaya sila maengganyo na maghanap ng baril at kung mayron man ay mamaril nang mamaril paglabas ng kiosk? 

Alam natin na ang mga mata natin, kung nakatutok sa isang bagay ay nagbibigay ng ideya sa utak kung anong pagkilos ang gagawin. 

Eskuwelahan
Ano ang itinuturo ng mga guro sa mga estudyante naman upang maging maginoo sa mga babae? Sa mga high school students na nakikita ko sa ngayon, parang pinipilit ng mga batang babae na maging kapantay ng mga lalaki sa paninigarilyo, sa paglalakad kahit na ano pa ang suot nila, sa pagtawa ng malakas kahit na nakakaistorbo na sa loob ng sasakyan, at marami pang iba. 

May isang uri ng pageeksamen kung ang isang tao ay bayolente. Pa drowingin sa isang papel. Ang mga likha ay magpapakita ng kanyang saloobin. Marahil ito ang magandang gawin ng mga guro sa mga kabataan ngayon. 

Sa malaking lipunan, walang solusyon sa pagpigil ng karahasan sa kababaihan. Ang mga local governments at ilang mga simbahan hinahayaan ang mahahalay na pananamit sa loob ng sambahan. Hindi nagtatakda ng dress code at kung meron man, hindi ito naipapatupad. May nakikita akong mga ina, naka short shorts, may hawak na sanggol at akay-akay na isa pang bata. Dumami na ang kanyang pamilya at ang pananamit niya ay nagsisigurong mabubuntis na naman siya sa madaling panahon. 

Parang walang kinokonek ang mga awtoridad sa pananamit at sa mga krimeng nangyayari. Bakit ganun?

Araw-araw may poster akong pinapakita sa daan, sa loob ng jeep at bus: MADALING BUNTISIN ANG MGA NAKASHORT-SHORTS. RAPE, MURDER MAG-INGAT. Pinapaliwanag ko: kung may nakashort shorts, nakakaakit ito ng dalawang klaseng tao: isang mahilig sa sex at isang rapist. Kung rapist, tiyak, papatay ito ng tao upang hindi magkaroon ng sisigaw tungkol sa krimen niya. At kung hindi rereypin ang nakasuot ng short shorts, ay ibang babae naman ay gagawan niya ng karumal-dumal na krimen. 

Gender and Development Units
Bawa't ahensiya ng gubyerno ay mayroong Gender and Development Programs na ang shortcut ay GAD. Hindi ko alam kung ano talaga ang ginagawa nila liban sa pagbibigay ng training workshops sa mga empleyado. Pagkatapos ng training, ano ang ginagawa nila? Kung malakas ang GAD natin, tiyak hindi mangyayari ang mga krimeng nabanggit sa taas. 

Ang komunidad ng murder chopper ay magkakaroon ng posters tungkol sa karapatan ng kababaihan sa loob ng tahanan. 

Ang kompanya ng technician ay magkakaroon ng posters at training tungkol sa pantay na pagtingin sa mga babae at lalaking nagtatrabaho sa workplace nila. 

Ang otel kung saan nangyari ang krimen sa babaeng manager na sinakal ay magkakaroon ng mga pasubali (notices) kung ano ang bawal sa paggamit sa loob ng kuwarto -- tulad ng ecstacy, at iba pang bawal na gamot. Sapagka't ang mga gamot na ito ay nag-aalis ng mga inhibitions ng mga tao at nagiging mala-demonyo ang utak. 

Sa Mata ng Diyos at Tao

Una, ang mga ito sa mata ng Diyos ay mga kasalanang mortal. Dahil ayon sa Ten Commandments, ang pang-anim na utos ng Diyos ay "Thou shalt not kill." Huwag kang papatay.

Pangalawa, ayon sa batas ng tao, ang pagpatay ay isang malaking krimen na kaagad-agad na magiging dahilan sa pagkakakulong ng isang taong pumatay. Sa katunayan kahit na ang State murder sa pamamagitan ng death penalty ay tinanggal na natin sa ating mga batas. 

Kung kaya't sa mga mata ng Diyos at ng tao, ang pagpatay sa ating lipunan ay bawal. Ang mga pulis at militar ang may direktang responsibilidad para magprotekta ng buhay sa ating lipunan. Nararamdaman ba natin ang kanilang paggalaw? Hanggang saan ang kanilang pagkilos para mapigil ang karahasan sa kababaihan?

Isang kolektibong responsibilidad ng lipunan kung may mamamatay na tao. Hindi natin dapat palampasin ito. Kinakailangan ang sama-samang pagkilos na magmumula sa mga awtoridad, katuwang ang lahat ng mga non-governmental organizations. 

Ngayong Marso a-8 araw ng pagdiriwang ng Araw ng Kababaihan sa buong daigdig, 
Ito rin ang araw na pinanganak ko ang aking kaisa-isang anak na lalaki, si Eugene Zigmundo na namatay sa Singapore noong July 28, 2014. Malungkot na rin sa aking ang araw na ito sapagka't napakabata pa niya para mamatay, 42 anyos, at walang buhay siyang natagpuan sa apartment niya sa Singapore. Hanggang ngayon hinahantay ko ang ulat ng mga awtoridad tungkol sa tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay. 

ipadama na rin natin ang ating kalungkutan sa mga nangyayari sa ating mga kabaro. 
Magdasal tayo ng taimtim na tumimo na sa isipan ng lahat na mahalaga ang buhay ng kababaihan na nagdadala ng salinlahi, na siyang nagluluwal ng buhay ng bawa;t tao upang ipagpatuloy ang ating lahi. Mag-alay ng kanta, ng mga bulaklak at mga dasal na nawa'y magising na ang lahat sa mga katotohanan. 





No comments: