Mga
Kababayan, ang University of the Philippines Church of the Risen Lord
ay magtatanghal ng Gospel Mass Ray sa buong panahon ng worship sa
Linggo, ika-29 ng Nobyembre 2015 as UP Diliman, Quezon City. Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-68 taon ng Church of the Risen Lord, na itinayo noong 1956 sa tulong ng mga estudyanteng Protestante na nag-aaral sa UP (UP Christian Youth Movement, '47).
Ang Gospel Mass ay naglalaman ng mga sumusunod ng mga awit: Kyrie, Lord Have Mercy; Gloria – Glory to God in the Highest, Credo, I believe in God, Acclamation – Hallelujah Praise the Lord, Sanctus – Holy, Holy Lord God of Hosts, at Agnus Dei- Lamb of God. Likha ni Robert Ray, isang kilalang American composer ang Gospel Mass na inaawit sa mga simbahan sa Amerika. May limang boses ang Gospel – soprano, alto, tenor, basso at countertenor.
Marami pong magagandang kumanta sa choir at magtataka kayo dahil walang patakaran kung anong idad ang maaaring maging kasali -- basta nasa tono, marunong magbasa ng nota, at marunong ng tempo at may Christian belief at spiritualidad. Magaan ho ang pagdadala ng mga namamahala sa choir kung kaya't masisipag ang lahat ng miyembro.
Ang Gospel Mass ay kakantahin ng sa ilalim ng baton ni Chris Arceo at piano ni Sara Matsuura. Ang Choir ay pinangangasiwaan ni Alexander Cortez.
Lahat ay inaanyayahang manood ni Reverend Jeremias M. Lagahit sa ika-29 ng Nobyembre 2015, alas 10 ng umaga, sa Church of the Risen Lord, UP Diliman, Quezon City. Makinig tayo sa mga awitin na puno ng mga salita ng Diyos.
No comments:
Post a Comment