Pinakamatanda niyang kapatid si Dayan. Ang sumunod ay
namatay sa aksidente. Siya ngayon ang bunso. Malapit siya
kay Dayan dahil halos siya na ang nagpalaki sa kanya noong bata pa siya. Ang Nanay nila na maagang nabyuda ay abala sapagnenengosyo kung paanong maigagaod ang mga pangangai-
langan ng kanilang pamilya at kung paano silang
mapapapag-aral.
Kung kaya't si Dayan ang parang tumayong nanay nila
hanggang sa makapagtapos silang lahat sa kolehiyo. Pero si Dayan, dahil sa pag-aasikaso sa kanila ay hindi nakatapos. Nag-asawa na lang siya at namuhay ng tahimik sa Bacolod.
Mabait naman ang napangasawa niya, masipag at matulungin sanangangailangan.
Malungkot ba ang buhay ni Lerma? Hindi naman. Ang mga anak niya ay malalaki na. Namatay ang asawa niya sa kasisigaril-yo noong limang taon pa lamang silang kasal. Siya naman, nakatapos ng kolehiyo ay nagtrabaho na kaagad. Manunulat siyang mga libro ng bata ngayon at halos hindi siya makaugaga
sa tambak ng projects na ginagawa niya. Nagpunta si Lerma sa upper deck para manood ng magagandang islang dinaraanan ng barko. Presko pa ang simoy ng hangin
duon. Parang ayaw na niyang bumalik sa Maynila dahil doon. Napakamausok ng mga kalye sa Maynila. Parati siyang
hinihika. Pero dahil ang mga projects niya ay nasa Maynila,wala siyang magagawa kundi ang bumalik dito. Naupo siya sa isang bangko at tinanaw ang mga isla nang
may mapansin siyang isang matangkad na mama na tumitingin
sa kanya, nakatayo sa may di kalayuan sa kanya. Pero nang
tingnan niya ng diretso ay mabilis na binaling ang mga
mata sa karagatan. Hindi niya pinansin ito at nagpatuloy
siya sa panonood sa dagat.
May mga isdang lulundag-lundag, lumilipad-lipad. Nakaka-
tuwang panoorin. Sana may mga ganuong tanawin din sa
Maynila. Sana makakita rin siya noong sa ilog-Pasig.
Natawa si Lerma. Parang isang bangungot ang maisip na
makakita siya ng isdang lumilipad sa Pasig. Ang mga sapang tumutuloy sa Pasig ay puno ng basura, mga styrofoam, mga
papel, mga kinainan. Napakababaho. Lason na ang makakain ngmga isda pag nagpunta pa sila roon. Disinuwebe oras ang biyahe mula sa Bacolod. Umalis sila ng pantalan sa Banago ng alas 2 y medya. May mga VIP pa sigurona hinintay kaya natagalan. Sanay na si Lerma sa ganun.
Siya ay nasa mega value air conditioned section ng barko.
Isang bahagdan pa ay economy class na. Middle class siya
kung baga dahil kaya niyang magbayad ng puwesto niya sa air-conditioned section. Pero balewala yun kay Lerma. E ano, kung hindi niya kayang magbayad ng first o business class na tiket? Maganda naman ang amenities sa section na ito. Kaya lang sa upper bed
siya nadestino. Malapit-lapit mabunggo ang ulo niya sa
kisame kung mauupo siya sa kama. Pero okay na rin. Basta
may kumot at unan, tama na sa kanya. Nakakatawa, may kuwento pa ang pagkuha niya ng mga ito.
Nang pumila siya para kunin ang unan at kumot niya, naubu-
san na yung steward at kukuha pa siya sa stockroom. Pagod
si Lerma, at emotionally-draining ang pakikipagtagpo niya
sa kanyang kapatid na si Dayan. Matagal silang nagkita at
maraming pagbabahaginan ang nangyari sa kanila. Kaya't
nais na niyang matulog kaagad sa barko. Ang ginawa niya, umakyat siya sa tourist section
information center at nagtanong sa isang babae roon kung
maaari na niyang makuha ang unan at kumot. Hiningan siya
ng ID ng receptionist. "Bakit doon sa isang barko ninyo,
hindi naman ako kinunan ng ID? Tiket lang ang tiningnan?
Kung ayaw ninyong ibigay, hindi na bale. Hindi na ako
mag-uunan," ang nawika ni Lerma.
Biglang kumambiyo ang babae at inutusan ang isang steward
na ikuha na lang si Lerma kahit walang ID. Dumating ang
manager ng barko, na napagkamalan ni Lermang kapitan.
Dinagdag ni Lerma sa kanya: "Di ba kabilang kayo sa
ISO 2000, na mga patakaran sa shipping sa buong daigdig at kailangan ay masunod ninyo ang mga standards na ito?
Samakatuwid, kung anong nangyayari duon sa isang barko
ninyo, gayon din ang dapat na mangyari dito." Napatingin
lamang ang manager sa kanya at parang hindi siya
maintindihan. Dagdag pa rin ni Lerma: "At kung kulang ang
amenities ninyo tulad ng unan at kumot, dapat ay bigyan
nyo kami ng diskuwento." Napangunot-noo ang manager.
"Think about it," ang nasabi na lang ni Lerma sa kanya bilang pagtatapos.
Pagdating ni Lerma sa kanyang bunkbed, natanaw niya ang
lalaking yun na naman, nasa may bandang binatana, at kunwa ay nanonood ng mga tao. Pero nahuli niyang nakamasid sa
kanya. Umakyat si Lerma sa kanayng kama, ibinaba ang unan, nahiga at nagkumot. Nakatulog siya kaagad. Mabuti na lang ang tiket niya ay walang pagkain. Kung
hindi ay pipila pa siya ng kahaba-haba. Tatayo sana siya
ng mahigit sa kalahating oras para kumuha ng pagkain.
Ibang-iba ang serbisyo sa ibang kumpanya ng barko.Sa
dining salon, pauupuin ang lahat ng tao at pagkatapos ay
pagsisilbihan ng mga stewards.
Tutal sa disinuwebe oras, puwede na siyang uminom na lang
ng tubig at kumagat ng mga biskwit. Balewala, nawika niya
sa sarili niya. Ngayon, karamihan ng hinahain ay mga
pagkaing niluto sa mantika ng baboy, o kaya ay may halong
karne na nagpapasakit kaagad ng leeg niya. High Blood.
Hindi niya kayang magkasakit sa barko, ang nawika niya sa
sarili. Magaalas onse na ng gabi nang magising si Lerma. Kinuha
niya sa maleta niya na nasa ulunan niya ang draft ng
kanyang aklat na Sa Pusod ng Karagatan: Ang Dugong at Ang
Mangingisda. Tungkol ito sa dugong isang nanganganib na species. Ginuguhit niya ang larawan ng bawat pahina nito.
Naisip niyang tapusin ito sa dining salon. Mausok ang salon. Maraming mga lalaki ang nag-iinuman,
naniigarilyo. Pero tolerable naman ang hangin. Siguro
dahil sa simoy ng dagat-hangin na pumapasok sa may
pintuan.
Bumili si Lerma ng fruit salad sa kart vendor-steward at
naupo sa isang mesa upang magdrowing. Binuksan niya ang
sketch pad niya at nagsimulang gumuhit. Maya-maya may
naramdaman siyang parang nakatanaw sa likod niya. Hindi
niya pinansin ito. Ah, nagkamali siya sa pagguhit at kailangan niya ng
pambura. Nakiusap siya sa steward na bantayan ang fruit
salad niya at babalik siya kaagad. Madali naman niyang
nakuha ang pambura dahil nasa bulsa lang yun ng maleta. Pagbalik ni Lerma sa salon, nakaupo na sa tapat niya ang
lalaking nakikita niyang nagmamasid sa kanya kung
saan-saang parte ng barko. Hindi ito tumitingin sa kanya.
Nakamasid ito sa isang lalaking naka-fatigue na pantalon
at nilalaro ang isang bata. Maya-maya ay inilabas ng lalaking naka-fatigue ang kanyang kamera at animo'y kukunan ang
bata habang nasa likod naman sina Lerma at ang lalaki.
Hindi pinansin ni Lerma ang pagkuha ng retrato at sa halip ay nagpatuloy ng pagkain. "O, nonoy, nonoy, tan-aw dire." Tingin dito ang sabi ng
mamang naka-fatigue na pantalon sa bata. Napatingin din
tuloy si Lerma at siya namang pag-klik ng kamera.
Nakatingin din ang lalaki sa kamera. Nagpatuloy kumain
si Lerma. E ano kung nakunan siya, ang naitanong niya sa
sarili. Matapos kumain, walang kaabug-abog na umalis na si Lerma.
"Excuse me," ang sabi niya sa lalaki na hindi naman kumibo. Bakit kaya hidi nagsasalita ang lalaking yun, ang naitanongni Lerma sa sarili. Palapit na ang barko sa pantalan ng Maynila. Madilim
ang dagat, hindi paris sa Negros, berde at asul hanggang samay kalagitnaan na. Talagang parang wala ng pag-asang
gaganda pa ang kapaligiran ng Maynila. Maraming basurang
lumulutang sa tubig, kung saan-saan nanggaling siguro,
galing sa Kabite, sa Laguna, o sa Luneta.
Nag-alala si Lerma sa bigat ng kanyang maleta. Ang ginawa
niya nakiusap siya sa isang steward na tulungan siyang
ibaba ito. "Noy gusto kong makalabas kaagad dahil mahirap
kumuha ng sasakyan sa pantalan. Lalakad pa ako," ang
nasabi niya sa steward. Natandaan ni Lerma a noong 1996, galing din siya sa
Bacolod. Alas dose ng tanghali ng dumating siya at
kinakailangan pa niyang maglakad ng malayo para makakuha
ng jeep. Walang taxi sa lugar na yun noon. Sumulat siya
sa Malacanang para sabihan ang Philippine Ports Authority
tungkol sa problema ng mga biyahera dahil walang sasakyan
pagbaba ng barko. Paano na lang kung maraming dala ang
pasahero? "Ay Ma'am may taxi na. Makakakuha kayo pagbaba ninyo.
Punta lang kayo sa information counter sa taas para
makapag-reserba kayo," ang payo ng steward. Matapos m
agpasalamat, dali-daling nagpunta si Lerma sa itaas kung
saan naroon ang tulay palabas ng barko. Kaya lang napakamahal pala ng taxi fare. P250 hanggang sa
tahanan niya sa Cubao. Flat fare. Pero may bus, trenta
pesos lang ang bayad. "Abangan nyo na lang Ma'am sa baba,
number one bus ang sasakyan nyo, diretsong Cubao," ang
sabi ng babae sa information counter sabay bigay sa kanya
ng isang kapirasong papel kung saan nakasulat ang mga bus
na magsusundo sa mga pasahero. Nakahinga ng maluwag si Lerma nang nakapuwesto na siya sa
may exit point ng barko, katabi ang kanyang maleta.
Nagsisiksikan din ang mga tao, mga Muslim na babae,
nakasarong, nakikipaggitgitan para mauna ring bumaba.
Mukhang mayayaman sila dahil puro ginto ang mga alahas.
Biglang naisip ni Lerma, kailan kaya siya kikita ng malaki para makabili rin ng mga gintong alahas na yun? Maya-maya dumating ang guwardiya, naka-sunglasses at may
dalang kamera. Nag-shoot siya ng eksena sa may pantalan
at pagkatapos ay humarap sa mga pasahero. "Souvenir" ang
sabi sa kanila. Natawa si Lerma. Talagang ang mga Pinoy
masentimyento, ang naisip niya. Kung sabagay mayroon din
siyang dalang kamera. Pero mga bundok, dagat at paglubog
ng araw ang mga kinunan niya, hindi mga tao. Para bang
ayaw niyang makipag-relate kahit na kanino sa ngayon.
Gusto lang niyang manahimik. Sa wakas, isa siya sa mga mauunang bababa, naisip niya.
Isusulat ko ba sa management ng shipping company ang mga
pangalan ng stewards na tumulong sa kanya, sina Chris at
Richard? Ito ang mga pangalan nila na nakasulat sa may
polo nila sa may bandang dibdib. Bakit hindi? At hinanap
niya ng tingin si Richard na siyang nagbaba ng kanyang
maleta. Paglingon niya nasa likod na naman niya ang
lalaking yun. Biglang tumingin sa Lerma sa dagat. Ayaw
niyang magpahalata na binabantayan siya ng lalaking yun.
Binabantayan? Bakit naman siya babantayan?
Ilang linggo ang lumipas...
Tiningnan ni Lerma ang sulat sa ibabaw ng mesa. Binuksan
niya. Natambad sa kanya ang retrato niya sa may exit
point. Wala nang iba. At sa likod niya ay ang mamang yun.
Tiningnan niya ang likod ng larawan. Walang sulat.
Sinilip niya ang sobre. May isang kapirasong papel -
isang salita lamang ang nakasulat. Nagmamahal. Pero walang nakapirmang pangalan. Nagulumihanan si Lerma. Nagtataka siya kung bakit walang
pangalan. Napatingin siya sa malayo. Siguro, nawika niya
sa sarili, may asawa na kaya hanggang ligaw-tingin na
lamang. O kaya ay may nobya na. O baka naman naiilang sa
akin? naitanong niya sa sarili. Tiningnan muli ni Lerma ang larawan niya. Medyo malabo ang kuha dahil instamatic camera ang gamit at napakalapit nito sa kanila. Kailangan kasi mga tatlong dipa ang layo bago
mag-shoot kung gamit ay instamatic. Napangiti si Lerma. Siguro kilala ng shipping company ang
taong ito. Bakit alam ng lalaking ito ang tirahan niya?
Dahil sa tiket ng barko na binili niya? Napailing si
Lerma. Susulat ba siya at tatanungin niya kung sino yun?
"Kung dumating kaya siya..." hindi na natapos ni Lerma ang sasabihin niya. May deadline siya na tapusin ang ginuguhit niyang kuwentong pambata para maimprenta at maibenta na.
No comments:
Post a Comment