Thursday, November 7, 2013

SERYOSONG USAPAN REVISED

Habang hindi natin pinagtutuunan ng pansin ang barangay elections, asahan natin na marami pang mga anak at apo ng mga PDAF corrupt officials ang darating sa ating buhay. Sila'y magiging mas masigasig sa pagtatrabaho sapagka't alam nilang maiksi lamang ang buhay ng kanilang gawain. Kung kaya't sa higit na madaling panahon, kailangang matapos ang "trabaho" nila at makaeskapo sila sa mapanuring mga mata ng ating mga kababayan.

Alaam ba ng ating mga kababayan kung an-ano ang dapat nilang asahan mula sa barangay?

Una. Kailangang may mataimtim na programang kultural sa bawa't barangay, hindi lamang basketbol, o parada ng mga kostyum ng mga makikilahok. Kailangang ang buong sistema ng sining -- painting, audio-visual, theatre arts, dance, music, sculpture -- ay dapat na maipadama sa bawa't residente ng barangay. Dapat maglaan ng P5 libo kada isang residente na may kakayahang gumawa ng makasining na gawain sa isang taon ang barangay upang sa ganoon, walang naiiwanan, at lahat ay mahahasa sa paggawa ng mga makasining na produkto.

Pangalawa, ang mga problema sa kapaligiran (environment) ay dapat na problemahin ng mga opisyales, araw-araw, hindi lamang kung may darating na taga DILG o City Hall upang magbigay ng mga pananalita. Kailangang araw-araw, sinisipat ang bawa't kalye, mga bakanteng lote, kung may mga hindi marunong mag zero-waste management. Kailangang ipagbawal ang mga proyekto tulad ng piggery sa mga mataong lugar. Ang alam ko pamprobinsiya lamang ito, hindi pang syudad. Pero sa subdivision namin, meron; ewan kung bakit napayagan. Madaling magbulag-bulagan talaga kung malakas (sa pera o impluwensiya) ang may proyektong ito.

Pangatlo, ang baha ay dapat pagtuunan ng bawa't mamamayan. Ang mga taga DPWH na nagtatrabaho sa mga creeks o estero ay kinakailangang taningan ng oras ng mga taga barangay kung gaano na kalaki o karami ang nagawa nila. Sa tulay sa E.Rodriguez, malapit sa Araneta Avenue, mahigit isang taon na ang trabaho noong mga platform floats pero wala pa rin akong nakikitang progreso. Umulan lang sandali noong isang buwan sa amin, bumaha na. Baha ng baha kada may ulan. Paano na kung magtuluy-tuloy ang ulan ng tatlong araw? Ondoy na naman? Siyanga pala bakit ganun. Marurunong namang ang mga civil engineers natin. Matataas ang napag-aralan nila sa UP, sa Mapua, at sa iba pang eskuwelahan. Pero itong baha talangang hirap yata silang ayusin.

Si Robert Marin, isang engineer, na kasama sa Coffee Clutch na nagmi-meeting sa ilalim ng pamamahala ni Ike Seneres tuwing Biyernes, sa Corinthian, ay nagpanukala na kailangang laliman ang Manila Bay. Kasi tuwing high tide, bumabaha ang Maynila. Samakatuwid, mas mababa ang Maynila kaysa sa Manila Bay. Kung kaya't kapag dumami ang ulan sa Kamaynilaan, bababa sa Manila Bay ang tubig at hindi na magtitigil sa mga kalye natin. May nakikinig ba sa mga opisyales natin sa panukala na ito? Wala. Mas abala sila sa pagdedepensa ng DAP.

Pang-apat, Kung may mga taga MMDA o DPWH na nagtatrabaho sa paligid, dapat ipag-alam nila sa mga residenteng malapit doon na hindi sila basta-basta magbubutas ng kalye. O kaya ay mag-iingay hanggang hatinggabi para lamang matapos ang trabaho nila (at the expense of our health.)

Panlima, kailangang ang mga pusisyon sa barangay ay ibukas sa mga residente. Bakit ganun, may mga pusisyon na hawak ng ilang tao na kung titingnan mo ay parang nangangapa pa sa kanilang gawain sa opisina. Parang noon lamang nila nahawakan ang mga gamit. Nanghiram ako ng computer dahil susulat ako ng complaint ko laban sa isang tao na ayaw magbayad ng utang. Ayaw ipahiran. O sige kako, pakiprint na lang mula sa USB ang aking sulat. Hindi pa rin puwede.

Ano ibig sabihin nito? Sa halip na propesyonalismo ang mamayani, ang tingin ng mga local government officials ay private property nila ang mga equipment. Magkakavirus ba kung mageencode ako ng sulat ko? Siyanga pala, nangyari din ito sa ilang opisina sa City Hall noong nagpunta ako roon. Sa isang departamento, sabi ko, puwede ho ba akong maki-fax, kahit na magbayad ako ng sampung piso. Wala raw silang fax machine. Nagpunta ako sa bandang loob ng opisina at may nakita akong fax machine. at nakapag-fax ako ng libre sa kabutihang loob ng isang empleyadong lalaki. Alam nyo kung sino ang nagsabing wala raw silang machine? Isang empleyada sa Administrative Division. Calling, calling head of DPOS.

Pang-anim, kailangang buwan-buwan may asemblea ang barangay, kung saan magre-report ang mga opisyales kung anu-ano ang kanilang nagawa para sa kabutihan ng mga mamamayan. Kailangang ireport din kung magkano, saan napunta ang budget. At kailangang may hard copies ang mga reports. In black and white, nakasulat ang financial report. Dapat ding makita natin kung sinu-sino ang mga performing kagawad hindi lamang ang kapitan o kapitana. Ilang beses silang nagre-report sa opisina sa loob ng isang buwan? Karapatan nating malamang ang mga bagay na yan.

Pampito, ang barangay ay may budget para sa mga seminars at workshops. Kailangang ianunsyo ng maaga para lahat ay malaman ito at makapag-aplay. Minsan nakakita ako ng candle-making workshop nakapaskel sa tarpaulin doon sa sentrong kalye ng aming barangay. Tapos na. Nanghinayang ako dahil gustung-gusto ko ng mga handicraft seminars, lalo na ng mga gumagawa ng mga bagay na yun tulad ng kandila - puwedeng lagyan ng pabango, puwedeng magiba-ibang hugis, etc.

Hindi maganda na namimili ng mga dadalo sa seminars at workshops na ganyan. May isang workshop din tungkol sa environment. Ang pinadalo ay kagawad. Nagpadala ba ng mga mamamayan? Nag-echo ba ng seminar na yun? Wala akong nalaman o narinig man lamang.

Pangwalo, naglakad ako sa San Juan City, sa may Jose Abad Santos, at kauulan lamang. Ang bango ng paligid, amoy ng pinutol na damo. Sana ganyan din ang bango ng barangay, hindi yung amoy imburnal sa bawat kanto. Yung isang kanto sa aming barangay sa tabi ng templo, parating binabaha tuwing umuulan. Paulit-ulit ang problema. At kapag daraan ka, makikita mong bukas pa yung imburnal. Bakit ganun? Paulit-ulit ang mga problema?

Pangsiyam, may 70 milyon budget ang barangay. Magkano ang napupunta para sa pagkakaroon ng livelihood projects? May anunsyo ba tungkol sa mga ito? Anu-anong pautang ang binibigay ng barangay? May isang residente, mahirap, nagtatanong kung puwede siyang makautang ng limang libo para magsimula ng paggawa ng suman na may latik, recipe na galing pa sa Samar. Pero wala raw ganun. Bakit? Walang sagot.

Pangsampu, may feedback mechanism ba sa barangay? May regular na panahon ba na 
nakikinig ang mga opisyales sa mga hinaing at suhestyon ng mga mamamayan? Dito sa karatig na barangay namin, ang kapitan daw dito ay marami nang four-story na gusali. Saan nya kinukuha ang pera para magpatayo ng mga ito? Magandang tanong na hindi natin alam kung sasagutin; puwera na lang kung ang DILG at ang COA ay maglalabas ng audit ng mga barangay. At kung may ilalabas, kailang ilalabas?

Marami pang dapat kalkalin sa barangay. Kailangang simulan na.

But an anemic Comelec that selects the problems to look ito will always rear PDAF thinking officials. A Comelec registrar spoke at a covenant for peace meeting of all candidates and she said: "Kung may reklamo ka, at ang gagawin mo ay maghahain ka nito sa tanggapan namin, mauubos ang oras mo. Mabuti pa mangampanya ka na lamang." Is that the proper attitude of a Comelec registrar, one who will discourage people from doing what is righteous and just?

The COMELEC is full of loopholes in its actions. Since the 70's my friend in Cebut had told me that the COMELEC is corrupt; they do not move without money. When someone wants to run as congress representative or senator, or any other high position in government, they have to pay. I know that too. Someone told me I had to pay when I applied to be a senatorial candidate. When I told him I did not have a single centavo to pay, he later said :there is no way that you would be a candidate." How did he know? Later on, a former senatorial candidate in the last elections told me, "He is an operator for Comelec."

The COMELEC is Constitutionally created but its people are appointed by the person in Malacanang. So to whom are the commissioners beholdened? To the person in Malacanang. It is a vicious circle. We do not have a professional government service. Somewhere always there is a kink that makes government service a disservice to the people. 

We should make COMELEC accountable for the corrupt officials that have been elected. In fact, I would go to this extent, a body should be created to check on the morals of those running for office -- are they prone to materialistic urges? Are they prone to influence-peddling? This could be a psychological or attitudinal test that would reveal how that individual/s would react in future situations that would call for their moral perspectives to surface.

Or maybe, the COMELEC should publish the background of every person running for office down to the barangay level. Unfortunately, during the last barangay elections,
so many people ran all over MetroManila but all I saw were merely photos and names and some included positions. That was all. One or two published missions, programs and projects they would do.

Thus, our elections become mere popularity contests.

Then the COMELEC allows motorcades, but not in major roads and streets during elections. How much gasoline does one vehicle need to cover a barangay? How much gasoline do 20 vehicles need in order to honk their way through every street in the barangay? Or how many people dressed up in similar attire, containing the picture of the candidate should be allowed to roam the streets of the barangay, coupled with a Ati-atihan banda? How much would that cost?

Does the COMELEC compute the costs that candidates spend for those things? No. There are a lot of things that the COMELEC glosses over. Is it a case of being under-budgeted? I don't think so. It is a case of WILL. If there's a will, there's a way.

Let us see if there would be truthful accounting of the expenses of each candidate by November 27th, the last day for submitting the Statement of Expenses incurred during the last elections. Let us see what for that report should be. Will the COMELEC investigate which are the truthful accountings? Will they check on the veracity of the submissions? And should they find discrepancies, will they do something about it?

Now is the time for everyone to shine and be a hero or a heroine.

Folks, is high time that we professionalize the COMELEC, insure that more righteous officials are there to conduct fair, just and equal elections. Also, every month, we must have a checklist of what it is doing in preparation for clean elections come 2016.

No comments: