Monday, May 30, 2011

TAYO

Inspired by passages from the Bible, I have written a poem which speaks of love between two individuals.
Given the need for political correctness, the poem does not restrict itself to love between a man and a woman, but to all kinds of couples of different sexes.

Now in particular, I would like to make PNoy recite this to his lady love since he might be too busy to write one. So to make his lovelife more interesting, he could read and feel every line of this poem and recite it aloud to his to-be better half, I hope.

By the way, in the Bible, such kinds of poems were made to symbolize love between God and the people. But if you will examine the words, they are too romantic and too human to refer to any ethereal being's feelings.

So, Folks, I give everyone a free rein also to use this poem for any occasion you may deem it worthwhile reciting. Sometimes, a bit of poetry in our social life could give us a new set of spectacles rosy enough to give us hope and bright ideas.

Happy reading. Emma
TAYO

ISANG BULAKLAK
LIGID NG TINIK
HANAP KO’Y LILIM
KUNG SAAN MAHIHIMLAY
HINIHINTAY KITA AKING MAHAL
ALAALA MO’Y MATAMIS
NA UBAS SA AKING LABI

MAGLALAKBAY AKO SA MGA DAGAT
AT HIMPAPAWID
TITIKMAN HALIK MONG PUMAPAILANLANG
KUMOT KO SA TAGLAMIG
PANG-ALIS NG UHAW SA TAG-INIT

HUWAG, HUWAG KANG LALAYO
TAYO’Y PARA SA ISA’T ISA
IKAW ANG HAMOG
AKO ANG BULAKLAK
SA GABI TAYO’Y MAGNINIIG
SA TAMIS NG LAGOK NG PAG-IBIG
NA HINUBOG NG LANGIT

AY, KAY GANDANG MABUHAY
MARINIG LAMANG IYONG TINIG
KAY LAMIG, KAY LAMYOS
BINABANGGIT AKING PANGALAN
KAY SARAP ALALAHANIN
YAKAP MONG PAMPAINIT
SA NAGLALAMIG NA PANAHON

AYOKONG MAGISING,
AYOKONG MAPUKAW
ITULOY ANG AKING PAGDAMA
NG MAINIT MONG MGA HALIK
SA BUONG MAGDAMAG
AT MAALIWALAS NA UMAGA

IKAW, IKAW ANG SAGOT
SA BAWA’T KATANUNGAN
“ANO ANG PAG-IBIG?”

KAMAY MO ANG KUMAKAPIT
SA HUMUHULAGPOS NA TAPAT NA PUSO
HUWAG KANG LALAYO,
IPADAMA MO INIT NG IYONG PAGMAMAHAL

TAYO’Y BABANGONG SABAY
HHIPAN ANG HARDING PUNO NG
MGA ALAALANG PAG-IIBIGAN
PAGTATAMPISAW SA HAMOG AT ULANG
NAGMAMADALING TAYO’Y
MABINYAGANG MAGKASUYO
AAWIT TAYO SA GITNA NG TIKATIK NG ULAN AT
HUNI NG IBONG HANAP AY MASISILUNGAN

IKAW, IKAW LAMANG ANG TUNAY
NA PAG-IBIG
ALIW KO SA ARAW AT GABI
HUWAG LALAYO ANG MGA MATA
MONG NANUNUOT SA KAIBUTURAN
NG AKING PUSO
AKO, AKO ANG IYONG KATUWANG
SA LAHAT NG PANAHONG NAGDARAAN
AT DARATING

TAYO, TAYONG DALAWA
SABAY NA TATAHAK SA LANDAS,
MABATO MAN O MADULAS
PUNO MAN NG ALIKABOK O
MGA TALULOT NG SAMPAGUITA
TAYO’Y HAHAYO, WALANG ALINTANA KUNDI
ANG MAHIGPIT NA KAPIT-KAMAY
TUTUNGO SA LIWANAG NA WALANG HANGGAN

IKAW AT AKO
AKO AT IKAW MAY PAGKAKAISA

No comments: