Wednesday, May 19, 2010

MEANINGFUL THOUGHTS BEFORE THAT FATEFUL DAY, MAY 17

"NI MINSAN HINDI AKO NATAKOT. TALO O PANALO (SA ELECTION,) SA AKING TINGIN, KALOOB NG dIYOS. Kung ako'y matatalo, magpu-fulltime pastor na lang ako. Dadami ang mga nananampalataya sa Quezon.

...Itinaas ko ang kanang kamay ko -- Panginoon, pagpalain ang lalawigan ng Quezon. Ngayon hindi na tumatama ang bagyo. Hindi na kami binabagyo. When the righteous rule in authority, kapag matuwid ang mga tao, nagsasaya. Kapag masama, matamlay ang ating bayan.

Kailangan pumasok sa puso at isipan ang salita ng Diyos. Nababago ang iyong pakiramdam. Pati pagsasalita, lahat mabuti, maganda.

Anuman ang iyong hilingain, aking ipagkakaloob, ayon sa Book of John. Magkakaroon ng pagbabago kung susunod ka sa Diyos.

Naging tindero ako ng isda, shoe shine boy, aktibista. Nagpunta ako sa Norte, sa Bicol. Pero nagbago ang aking buhay.

Dati kong sinisigaw, "Ibagsak ang gubyerno." Dapat pala, "Ibangon natin ang bansang ito."

Nagsimula ako ng kumpanya, one man at ngayon ang kumpanya ay malaki na, gumagawa ng industrial battery (his own invention, Ed's note).

Nang ako'y madapa nang madapa, nang madapa, tumayo ako, tumayo. Humingi ng tawad sa Diyos. Ang anak ng Diyos hindi tayo pinababayaang nakadapa. "

MEANINGFUL THOUGHTS AT THE EVANGELICAL ARK MISSION INTERNATIONAL ANNIVERSARY, APRIL 10, BY GOVERNOR RAFAEL NANTES WHO DIED IN A HELICOPTER CRASH, THIS WEEK, MAY 17, 2010 IN QUEZON, AFTER THANKING HIS SUPPORTERS DESPITE HIS DEFEAT AT THE POLLS.

No comments: