Sobrang dalawang linggo at tayo ay boboto na, 18 araw eksakto bago ang Mayo a-10. Siguro kinakabahan ang maraming kandidato kasi hanggang ngayon, hindi pa nila kabisado talaga ang mga Pinoy at Pinay na botante. Masyadong malihim, maaaring palipat-lipat, wala pang napipili, o kaya ay sigurado nang boboto pero depende sa pondo na maibibigay.
Kanina lang, may lumapit sa isang babae sa jeep at namigay ng kalendaryo. Sinabi ng babae ang kandidato niya, si Noy2, pero ang sagot ng lalaki, "at sabi ng lalaki, "Ano, maraming namasacre sa Hacienda Luisita si Cory." Ang sagot ng babae, "Makakapagsalita ka ba ng malaya ngayon kung hindi pumasok si Cory sa pulitika?"
Tumahimik ang lalaki at tatawatawa.
Ang isang makasaysayang pananaw sa pulitika ay napakahalaga. Kung wala nito, masisira ang ating kinabukasan. Lahat magiging materyalistiko, iisipin lamang kung ano ang gana, ang kikitain.
Sana bigyan ng Department of Education na mariing pagpapasya na ang kasaysayan bilang isang subject at kurso ay mahalagang bahagi mula elementarya hanggang kolehyo.
Thursday, April 22, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment